L.C | 29 |

2.5K 69 6
                                    

| Third Person |

Halos maglilimang minuto na ng magumpisa ang laro ni Araina at Katana pero mukhang hindi pa rin makapaniwala sina Brazzen na nakatutok pa rin ang mga tingin sa laro ng dalawa "the fight seems interesting, kilala mo ang tatlo pang kasama nila Suprema?"

"Not really, all I know is that the rest are part of the country's national team"

"What the? Sila Suprema lang pala ang hindi professional players"

Sumubo ng popcorn si Pierce na tutol na tutok rin sa laro "the audience wouldn't even notice, we three knew how aggressive these two are. They're like, sports freak"

"Ooooh, naks English" malakas na nagapir si Pierce at Ralph habang napailing na lamang si Adam sa dalawang kasama. Muli nilang tinuon ang atensyon sa laban, kasalukuyang hawak ni Araina ang bola.

Ekspertong itong nag crossover dribble ng hindi masyadong mahigpit ang bantay sa kanya, mabilis niya naman itong shinoot ng aakmang aagawin ng kalaban ang bola sa kanya "2 poiiinntttssss, Wakefield!"

Nakapuntos naman agad ang kalaban matapos na makapuntos si Araina. Bola naman nila ngayon at si Katana ang may hawak nito. Nagdribble ito papalapit sa shooting ring nila habang naghahanap ng mapasahan, sinugod siya ng kalaban upang agawin ang bola ngunit pinalusot niya agad ang bola sa pagitan ng kanyang mga paa.

"Katana's specialty HAHAHAHA through the legs dribble"

"Ang hirap niyang maagawan ng bola" dagdag na saad ni Ralph sa naging kumento ni Pierce. Ipinasa ni Katana ang bola kay Araina na nasa kabilang parte ng court, mabilis na tumakbo si Katana papuntang ring at dinunk ang bola ng muntik na itong hindi makapasok sa naging tira ni Araina "nice!"

Nagpatuloy pa ang laro ng halos dalawampu't limang minuto at paubos na ang oras ng 4th quarter, dikit ang score ng dalawang grupo 119-120. Napakagat labi si Araina ng makathree points si Katana kaya naging 122-120 na ang score, mahigit isang minuto na lamang ang oras na natitira. She knew that the game is not yet finished, the table could turn around in a split of seconds. That's why they should be more cautious about their moves.

Kasalukuyang binabantayan ni Araina ang player na magaling mag three points sa kabilang grupo. Just like what their other three members said na kateam ng mga kalaban nila sa national team ay ito ang player na specialty ang pag tatatlong puntos. She was guarding the opponent with agility, kaya ng tumalon ito ay tumalon rin siya para sana mablock ang bola at matapik ito papunta sa kasamahan "Suprema!"

Mabilis na napatayo ang team Alpha kasabay ng pagsinghap at pagsigaw ng mga taong nanunuod ng mabangga ng kalaban si Araina kaya namali ito ng bagsak at kasalukuyang namimilipit sa sakit habang hawak hawak ang kanang paa. Hindi agad nakagalaw si Brazzen dahil sa gulat kaya si Cole na ang lumapit kay Araina at mabilis na tinignan ang paa nito, nakaalalay naman ang dalawang nurse na sina Rue at Kitty.

Halos lahat ng mga taong nakatingin sa laro ay nagaalala sa kalagayan ni Araina, the audience were no joke. Ngayon lang din rumehistro kay Katana ang dami ng taong nanunuod sa laro nila, even the staff of the resort are also watching the game "You sprained your ankle but what I'm not sure about is that if it's severe, we need to do x-ray to make sure"

"Malapit na matapos ang laro" nanghihinayang na saad ni Katana, mapilit na tumayo si Araina habang iniinda ang sakit ng paa "I can manage, I'll deal with the pain later"

"But it'll make your sprain worst"

Araina carefully stretched her right foot before placing it on the floor, nagmini jog siya tyaka tumalon talon ng bahagya. Unti unting nabuhayan ang mga manunuod ng makitang mukhang okay na si Araina "spray this on her ankle to somehow lessen the swelling"

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now