L.C | 15 |

3.1K 82 3
                                    

| Third person |

Buong araw na lutang si Brazzen habang nagtatrabaho, nagtataka na rin sina Cole sa inaasta nito. Hindi ito makatrabaho ng maayos dahil sa isip nitong patuloy sa paglutang "like I said we still need to check those patients who has been diagnosed with—"

"Love po doctor Cole? May alam akong kailangang tutukan ng bonggang bongga"

"Ahh~ oo nga ano? Is it lovesick? Sadly, we don't have a cure for that illness. Do you have suggestions?"

"Tawagan ho natin?"

"Video call para mas dama Doc Cole!"

"Aha! Pabalikin nalang kaya natin si ma'am Araina?"

Mukhang nabulabog naman si Brazzen dahil sa pagbanggit ng mga ito sa pangalan ng lider ng team Alpha, bahagya siyang napaligon sa mga kasamahan na nakatuon sa kanya ang atensyon ng nga ito at nakangisi ng nakakaloko "Doc! Okay lang ho kayo?"

Nakangising saad ni Rue "y–yeah" napataas naman ang kilay ng kasamahang si Cole saka bahagya pang napailing "i doubt that"

"Hmpp, bonggang check ka jan sir! Pakidakip pala ang utak ni sir Brazzen" singit ng isa pang nurse na may napakapulang labi "ha? Bakit naman Kitty?"

Natatawang sakay na saad ni Rue "kanina pa lipad here, lipad there eh" natahimik naman ang buong team nang ihampas ni Cole ang kamay sa mesang nasa harapan nila, akala ng mga ito ay magagalit at sasawayin sila ngunit kabaliktaran ang ginawa nito "correction! Hindi utak ang lumilipad sa kanya people"

"Ano po yun Doc?" Nagpapacute na tanong ni Kitty sa doktor "puso~"

Napuno ng natawanan ang buong silid dahil na rin sa madamdaming paraan ng pagsabi ni Cole "shut the damn Cole" naiinis na saad ni Brazzen ngunit hindi man lang ito naging sapat upang matinag ang kanyang buong kasamahan sa silid "okay, let's get to work! Baka hindi na makayanan ni Brazzen ang lahat–"

Sandaling napatigil si Cole sa pagsasalita nang maramdaman ang matutulis na tingin ni Brazzen sa kanya "eheeem! Tomorrow, some of the Supreme troops will roam around the west and east borders of the place. Team Alpha said that we need to be alert for emergency situations, so everyone will be on standby mode tomorrow"

"Teka dok, diba hindi naman na bago sa kanila ang paglilibot sa mga borders? Bakit parang alert na ata ang buong base ngayon?"

Tanong ng isa sa mga nurse "ahh, oo nga po dok! Napansin ko din ang pagiging alert ng Supreme mula kaninang umaga, may nangyari ho ba?"

Dagdag na saad ni Rue na sinangayunan naman ng lahat "well about that, some civilians na nakatira around the borders said that they saw some armored civilians roaming around the place. It's been days, at pabalik balik ang mga ito sa lugar"

Nagsimula ang kumusyon sa buong silid, naging bahala ang mga ito at nangamba sa posibleng masamang mangyari habang nasa bansa pa sila "and I also have the list for the first batch of names that will be going home three days from now"

"Yeeeeesssss!"

"Ay dok! Ba't kailangang hatiin? Hindi pa pwedeng sabay sabay na tayong umuwi?"

"Oo nga po!"

"Quiet! Quiet! As you can see, there are some patients that still needed monitoring. The second batch will follow a day or three, after the Urk doctors and nurses will arrive"

Mainam na pagsagot ni Cole sa mga ito, may mga naisugod din kasing mga pasyente sa kanila na hindi na kayang bumyahe sa hospital na nasa bayan pa. Nagrequest ang mga Supreme ng immediate response sa kasong ito, hindi din kasi pwedeng iasa ng mga Supreme sa kababayan nilang mga Filipino doctors and nurses ang mga kasalukuyang pasyente ng bansa. Alam nilang atat na atat na ring umuwi ang mga ito.

But the said response may take 4-6 days before it'll arrive, they still need to take some precautionary measures before doing the operation. Mismong gobyerno rin ng bansa ang nagsabi nito "and lastly, Team Alpha and I agreed to have a small party before the first batch of us will go home. The Supreme's deployment will also end soon, kaya makakabalik na rin sila ng Pilipinas"

"Wow! Good news talaga yan dok, mabuti na rin yan para makapag bonding tayo sa kanila"

"Heh, if I know, a lot of you girls here are dying to get to know your Supreme crushes"

Natatawang saway ni Cole na nakapagpatili sa ilang sa mga ito, matapos na mai-announce ni Cole ang first batch ay agad niya rin namang dinismissed ang mga kasamahan.

***

Kinabukasan ay agad na nagulantang ang team ni Cole nang nangangailangan ng immediate response ang Supreme sa west and east borders "alam niyo naman ang basic first aid diba? Hindi ba pwedeng dalhin niyo nalang ang mga sugatan niyong kasamahan dito?"

Nagtatakang tanong ni Cole "hindi sapat ang salitang sugatan sa mga kasamahan naming nasa mga borders ngayon, sir Baymax requested your cooperation personally"

"Ah, sorry. Nakakapagtaka lang talaga kung bakit hindi niyo nalang maihatid ang mga kasamahan niyo dito sa medicube, of course we'll cooperate. Are they seriously wounded?"

"Naisip ho nilang mas mainam na personal niyong matignan ang mga kasamahan namin kung ano ang pwedeng posisyon para mabuhat ang mga ito at kung ano ang dapat na gawin sa mga natamo nila"

"Very well, I'll send two teams para mabilis ang paglilipat sa sa kanila. Rue, call Brazzen now, he'll be in charge for the other team that will head on the east border. My team will be on the west"

Naging mabilis ang pagresponde nila Brazzen at Cole sa mga Supreme na nasa magkaibang borders, nagulat pa ang mga ito nang makita ang mga natamo ng mga Supreme. Nagsimulang magsulputan ang mga tanong sa isipan ni Brazzen, gaya na lamang kung, nagtatamo rin ba si Araina ng ganitong mga sugat? Mas malalalim ba at mas masasakit?

"These wounds are no joke alright, okay! Let's head back to the medicube and immediately treat their wounds with its appropriate medication" utos ni Brazzen

"Yes dok!"

"We're ready, sir" saad ni Kitty sa isa sa mga Supreme para makabyahe na papuntang Supreme's base "ano kaya yun?"

Nagtatakang sambit ni Kitty nang makita ang ilang hindi kalakihang boxes na bumababa sa ere dahil sa puting parachute na nakasabit dito "Sir Garfield? Hunger games ba tayo dito't may lumilipad na boxes like ebriweeeeeyr?"

Kunot noong tanong ni Kitty, mabilis namang nabaling ang tingin sa mga tinuturo ang huli. Napalaki ang mga mata nito at mabilis na inutusan ang nagdadrive na kasamahan upang bilisan ang pagmamaneho "that's not just boxes"

"Po, eh an— ahhh!"




"Bombs! Take cover!"

***
Note:

Pasensya na sa sobrang late na update, thank you rin pala sa mga readers na patuloy sa pagbabasa ng kwento ni Araina't Brazzen! Me loves you sooo much, and please bear with my errors. ☺️

Super antok na ho ako habang tinatapos ang chapter na ituu 💋

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now