L.C | 44 |

2.2K 73 10
                                    

| Araina |

"Hands off, that's my man you're touching in case you were not informed" malamig kong sambit matapos na makalapit sa pwesto nila. It seems like the woman was shocked to hear the glint of danger in my voice "baby?" Binalingan ko si Brazzen na mukhang nagulat sa biglaang pagsulpot ko. Mabilis niya namang kinalas ang kamay ng babae sa kanyang braso at agad akong sinalubong ng yakap "akala ko ba mamayang gabi pa ang dating niyo?"

Awtomatik akong napangiti nang tuluyan na niya akong nayakap at agad kong naamoy ang pabango niya "surprise!" Halos tumalon ang puso ko nang magpakawala ito ng gwapong tawa. Saglit itong napatigil at binalingan ang lalaking kausap niya kanina "Artur, this is my girlfriend, Araina. Araina, this is Artur, my cousin and at the same time the vice president of this company"

Ngumiti ako sa lalaking sinabi ni Brazzen na pinsan niya't vice president ng kumpanya niya "nice to meet you" sambit ko. Nag shake hands kaming dalawa matapos nitong ilahad ang kanyang kamay "the pleasure is mine. I heard a lot about you from Brazzen"

Sinulyapan ko si Brazzen na pasimpleng umiwas ng tingin at nagpipigil ng ngiti "hindi niya naman siguro ako sinisiraan?" Biro ko na siyang tinawanan niya habang mabilis na umiiling "if only you knew"

"So it's true huh?" Interrupted by the woman na akala ko umalis na kanina pa, pero talagang hindi ito natitinag. Napatikhim si Artur tyaka hinawakan ang babae sa pulsuhan nito "we better go, we'll just continue the talk later cous"

Tumango lang bilang pagsagot si Brazzen. Aakmang aalma pa ang babae pero mabilis na siyang nahigit ni Artur palabas. Muli namang nakuha ni Brazzen ang atensyon ko nang pinulupot nito ang kanyang mga kamay sa aking bewang "I miss you" parang may humaplos sa puso ko matapos marinig ang sinabi nito "I miss you too" nakangiti kong sagot. We stayed in that same position for a couple of minutes bago niya napagpasyahang yayain ako para kumain "where do you want to eat?" Tanong ni Brazzen habang nagliligpit ng gamit "Jollibee!"

Masaya kong sambit na siyang ikinailing niya lang. Mabilis rin naman ang naging pagkain namin, medyo nagmamadali rin ito dahil ipagpapatuloy pa daw nila ni Artur ang paguusap tungkol sa meeting nila kanina. I guess it is something important dahil hindi naging sapat ang ilang oras na meeting nila kanina "San daw kayo magkikita?"

"An exclusive training space on how to shoot. The owner of that place is Beatrice's father, he's an ex General. He actually opened it for self defense program at saamin sila kumukuha ng mga armas, they're opening another place. Gusto rin nitong palitan maging ang lahat na dati nilang armas, he wants an upgrade kaya malaki laki rin itong project knowing that they have nearly 30 branches in the country"

"Beatrice? Yung babae kanina?"

"Yes, sorry about her. She's just really persistent" nagkibit balikat lang ako tyaka nilabas ang cellphone ko mula sa bag "hey, you angry?"

Saglit akong natigilan mula sa pagsesearch ng pangalan ni Beatrice, wait what's her surname? "Huh? Of course not HAHAHAHAHA unless you're doing something bad baby" saglit ko siyang binigyan ng tingin. He looks relieved na siyang ikinailing ko't ikinangiti "thank you"

"It's nothing Klay, hindi naman ako mababaw na tao. I won't get angry for some lame reason, anyways I'm curious about her father since sabi mong ex general siya. What's their surname?" Lie. Mas curious ako sa babaeng higad na yun, not her father. But of course, hindi ko yun sasabihin dahil iisipin nanaman ni Brazzen na may dinadamdam talaga ako sa nangyari kanin. Well kind of, naiirita ako kay Beatrice "Salvadorico"

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now