Chapter 26

1.7K 27 0
                                    

"FAMILY TRIP: DAY 1"

1 week later...

Kean's POV

Magkasama kami ni Keila ngayon. Of course, kasama namin si Luke. Mas madalas na kami magkita ni Keila lalo na nung simula nang magkaalaman na kami tungkol sa aming nakaraan. Alam kong may hindi pa rin ako nalalaman pero masaya ako, as of now. Kasama ko ang mag-ina ko, mejo alam ko na ang nakaraan ko, etc.

Si Keila ay nakatira pa rin sa bahay ng kuya niya. Napagpasyahan namin na titira si LJ sakin during the weekdays and then he goes to his mom during the weekends. Pero mag-sleepover once a week si Keila sa bahay ko. Saka na kami magsasama kapag kasal na kami. Haha! Pero malayo pa iyon. Hindi muna sa ngayon. Kailangan kong mahanap ang iba ko pang nawawalang memorya. Kailangan maalala ko na ang lahat bago kami magpakasal.

"But mommy, I want that toy.", napabaling naman ang atensyon ko sa anak ko na kasalukuyang nagtatantrums.

"Baby, you have lots of toys now.", sumimangot naman ang bata at saka nagdabog. Napapatingin na nga ang ibang tao kaya naman para maisalba sa kahihiyan ang mag-ina ko ay umentra na ako sa usapan.

"Luke Jackson. What did daddy tell you?", tanong ko sa kaniya sabay iniupo ko siya sa lap ko. Nandito kasi kami sa may starbucks at katapat lang nito ang isang toy store.

"No means no po", mahinang tugon niya sa akin.

"That's right. So what should you do now?", saglit siyang natigilan saka nagpumilit na bumaba at pumunta sa mama niya. Kinandong naman siya ni Keila.

"Mommy, sorry po.", ngumiti si Keila at niyakap ang bata saka hinalikan ito sa noo. Napangiti nalang din ako habang tinitingnan sila. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na kami ni Keila. Na may sariling pamilya na pala ako.

Ibinaling sa akin ni Keila ang atensyon niya. She cocked her head slightly to one side and looked at me, confused as to why I'm smiling at her. Umiling nalang ako at tumango nalang siya.

Hindi kami uuwi sa aming bahay ngayon. Keila and I took a week off para magbakasyon sa isang resthouse ni ate Janna. Pinayagan naman niya kami na tumigil doon eh.

"Kean, sigurado ka bang okay lang na mag-off tayo for a week?"

"Baby, relax. Okay lang. Pumayag naman sina kuya Angelo at ate Mariella diba?", bumuntong-hininga siya at tumango.

Wala naman masyadong nangyari netong nakaraan. Masaya kami ni Keila, kahit na may mga konting tampuhan pero natural lang iyon eh. I took her out on dates, sometimes kami lang dalawa, sometimes kaming pamilya. Pero naalala ko bigla ang paguusap namin ni kuya Angelo.

FLASHBACK

The next day after their date--

Nandito ako ngayon sa opisina ni kuya Angelo. Pinatawag niya ako para matulungan siya sa ibang trabaho. Sa ngayon ay on break kami.

"Kumusta naman kayo ni Keila?"

"Okay naman kuya. Masaya. Pero di ko akalain na tampuhin siya."

"She is. Kahit ganon si Keila, mahinhin, tahimik, mabait, may tinatago yan na taray at pagkasensitive."

"Pansin ko nga eh.", at napatawa nalang kaming dalawa. Then all of a sudden, the atmosphere changed. Ramdam ko ang tensyon at hindi ko alam kung saan galing iyon.

"Kean, alam na ba ng mga magulang mo?", umiling ako. Nagtataka lang ako dahil parang magiging big deal kung sasabihin ko sa kanila. "I see. Favor ha, wag na wag mong bibitawan si Keila kahit ano'ng mangyari."

"Remember Me" (FIN)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora