Chapter 27

1.4K 20 0
                                    

"THREAT"

KEILA'S POV

Nagising ako nang wala na si Kean sa tabi ko. Ang aga naman niyang bumangon. Hay. Kaya wala na akong nagawa at bumangon na rin para maghilamos at magmukhang disente ngayong umaga kahit papaano. Habang pababa ako ng hagdan ay nakarinig ako ng tawanan sa may living room. Ang mag-ama ko nga naman, ang cute nilang dalawa!

"Oh, goodmorning baby!", masiglang bati ng boyfriend ko. Yiee! Kinikilig ako, ano ba yan. Nilapitan ko naman sila at binigyan ng tig-isang halik sa kanilang pisngi.

"Good morning. Ang aga mo ha."

"Mas maaga nga si Luke eh.", true though. Luke always wakes up early. Kinuha ko si Luke mula sa kandungan niya at saka niyakap ang anak ko. Namiss ko siya eh! Matagal-tagal din siyang tumigil kay Kean no. "At si Luke lang talaga ang niyayakap mo?"

"Namiss ko ang anak natin eh. Ang tagal niyang tumigil sa bahay mo eh.", then his facial expression softened.

"It must have been tough being away from your son.", oo nga naman. Totoo ang sinasabi niya. Araw-araw nagaalala ako kung maayos ba ang kalagayan ni Luke gayong wala ito sa puder ko. "But still, thank you Keila. For giving me this chance to be a part of our family. Kahit na nawala ang memorya ko ay hindi mo ipinagkait sa akin ang katotohanan."

"You have the right to know. Anak mo 'to eh. Tsaka shempre, mahal kita.", sabay halik ko sa kaniya sa labi. Nagulat pa nga siya eh. Kaso pati ako nagulat kasi bigla niya naman akong hinalikan. Hindi pa yung simpleng peck ha! Lalaking 'to. Bahagya akong umiwas para tumigil at habulin ang hininga ko. "Hoy, baby, alalahanin mong may batang nanonood sa ating dalawa ha.", sabay kaming lumingon kay Luke. Ayun nakatitig sa aming dalawa, eyes filled with confusion. "Nako, anak, wag mo pansinin ang daddy mo."

"Ehhhhh?", napatawa nalang ako sa naging reaksyon niya. Tumayo na ako upang puntahan ang tagaluto dito. Kasunod ko si Kean na kasalukuyang buhat-buhat ang baby damulag namin.

"Dapat di mo na binubuhat yan eh. Malaki na yan."

"Let him be, Keila. Gusto mo buhatin din kita?"

"Baliw ka talaga.", tapos ay bahagya syang natawa sa reaksyon ko. "Nay Ezra, ano po ang kakainin natin ngayong tanghalian?"

"Nako hija, sa katunayan eh wala pang naiisip eh. Isa pa, wala na palang ingredients na kakailanganin. Magpapabili palang ako eh."

"Ay 'nay, hayaan niyo na ho. Lalabas nalang po kaming tatlo. Gusto niyo ho bang magpa-order ako ng pagkain niyo?", suhestiyon ni Kean sa kaniya.

"Pero, sir, nakakahiya naman ho. Magpapabili nalang ako ng mga kailangan."

"Hindi na po. Lalabas nalang kami. Then I can just order pizza with chicken wings for you all."

"Kung iyon ho ang gusto niyo, eh salamat ho sir Kean."

---

Nandito kami sa pinakamalaking mall ng lugar na ito. Ang daming tao. Sa bagay, summer eh. Hilig nila ang lumabas at gumala kaysa ang magpahinga nalang habang may panahon pa sila.

Nandito kami sa isang italian restaurant.

"Baby, ano'ng gusto mong kainin?"

"Hindi ko pa alam. Hindi ako pamilyar sa mga pagkain nila dito eh."

"I can suggest some for you, if you want."

"Please do so"

Nagtingin-tingin muna siya sa menu na hawak niya pagkatapos ay ipinapakita niya sa akin. It may seem really appealing in the picture but I wonder if the taste will be appealing as well.

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now