Chapter 46

846 13 0
                                    

"REVELATIONS"









Keila's POV


Kumusta na kaya si Kean? Hindi ko naman ikakaila na namimiss ko siya. Sobra sobra nga eh. Pero alam kong kailangan kong pigilan ang sarili ko na puntahan siya para maisagawa ang plano kong pag-alis. Kailangan kong magingat para hindi niya malaman ang plano ko.





"Kei.", napatingin ako sa tumawag sa akin.





"Darryl", lumapit ito sakin at niyakap ako. Pakiramdam ko ay naka-house arrest ako. Hindi na nga ako nagtatrabaho, hindi pa ako nakakalabas.





"Pinapabigay pala ng ate mo.", it's a letter. Consent ng pag-transfer ko sa main branch sa France. "Ipapakita mo daw ito kapag nakapasok ka na doon. Alam na rin naman ng presidente ng kumpaniya doon na darating ka in few days.", tumango ako. Dahil dito, pakiramdam ko ay bumilis ang pagdaan ng araw. Sigurado na ba akong ito ang gusto ko?





"Darryl.."





"Kei, alam ko ang tingin na iyan. Begging again to let you see him? No. Alam mo na hindi ka namin papayagan.", napatungo naman ako. Kahit na pinagbabawalan nila ako, I don't understand why I don't feel resentment towards them. Dahil ba naiintindihan na ng puso ko ang dahilan nila? "Aalis na muna ako. Dadaan muna ako kina mama."





"Sige. Ingat ka.", pero bago siya umalis ay tumingin muna siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.





"Huwag ka ng malungkot. Balang araw, maiintindihan mo rin ang mga bagay-bagay.", tapos ay tuluyan na siyang umalis.





Ilang oras akong nagpaikot-ikot dito sa bahay pero talagang nawawala na ang kontrol ko sa sarili ko. Agad kong inilabas ang phone ko at tinawagan si Josh.

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now