Chapter 11

2.8K 43 4
                                    

"DADDY-BABY~DAY 2"

Kean's POV

"Dadaaaaaa~~~"

Ughh, napatingin naman ako sa orasan. 3:30am lang. Nagtataka ako nung una kung bakit may tumawag na dada out of nowhere pero naalala ko bigla na may anak ako. Dali-dali naman akong bumangon at saka siya pinuntahan sa kwarto niya. Apparently, we have a spare room that was never used kaya naman pinaayos ko yun para magmukhang kwarto ni LJ. Madali kong naririnig kung umiiyak ba ang anak ko o ano dahil may pintuan sa loob ng kwarto ko na nagsisilbing lagusan sa kwarto ni LJ. Hinayaan ko itong bukas para lang alam ko ang lagay ng anak ko.

"Oh baby, ano kailangan ng baby ko? Hmm?". Pero mukhang alam ko na kung bakit. ANG BAHO EH =__= "Baby, ang baho ng caca mo. Haha!", tapos ay nagbabadya na siyang umiyak. Ay nako! "Osha, joke lang. Mabango baby.", since ako ang nakasama ng mga kapatid ko mula nang mga baby pa sila hanggang ngayon, natuto ako kung paano magpalit ng diaper. I'm proud of myself. Haha! Pero kailangan i-train na itong gumamit ng banyo. Hmm~

Nagpunta kami sa powder room ni baby at agad ko siyang nilinisan. Pagkatapos ay pinalitan ko na ang diaper niya. Nagtimpla ako ng gatas niya at pagkatapos nun ay dinala ko siya sa kwarto ko. Doon ko nalang siya papatulugin. Tabi kami ni baby ^___^. Hinehele ko siya habang pinapainom ng gatas. Halatang inaantok na ulit siya kaya naman, dahan-dahan ko siyang inihiga habang pinapainom pa rin siya ng gatas. Nang makakalahati na siya sa iniinom niya ay itinabi ko na ito at nilagyan siya ng mga unan sa paligid niya. Tinapik-tapik ko lang siya ng mahina para makatulog na talaga nang husto at hanggang sa ako naman ang nakatulog na.

---

Nagising nalang ako bigla nang maramdaman kong may nahawak sa mukha ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin si LJ na nakangiti. Bigla ko naman siyang binuhat at itinaas sa ere habang nakahiga ako. Halatang tuwang-tuwa naman siya sa ginagawa ko.

"How's my baby boy? Sarap ba tulog baby? Hehe. You woke up earlier than I did ha. Naunahan mo si daddy.", tapos binaba ko na siya inihiga sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramdam, sa totoo lang, ng may anak. Oo may mga responsibilidad pero nageenjoy kasi ako. I enjoy being a father to this baby.

Bukas na kami magpapa-DNA test. I'm actually hoping na ako nga talaga ang ama ng bata. Napamahal na rin sakin si LJ kahit papaano. Pero malakas ang kutob ko na akin ang bata. Kung sakaling akin nga ang bata ay hahanapin ko muna ang ina, bago ito malaman ng mga magulang ko. Something tells me na hindi pa panahon na malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa bata.

Pagkatapos kong mag-toothbrush at maghilamos ay, binuhat ko na si LJ mula sa kama at saka kami bumaba to eat breakfast.

"Magandang umaga, hijo.", bati ni nanay Joy. Bumati naman ako pabalik. "Na-late ka na ng gising ah. Napuyat ba sa pagaalaga?"

"Mejo po, 'nay. Pero ayos naman po. Kinakaya ko. Anak ko eh, kahit wala pa pong kasiguraduhan. Pero pakiramdam ko po talaga ay anak ko siya."

"Yan ang tinatawag nilang lukso ng dugo.", siguro nga. Sana tama si Nanay Joy. Sana talaga.

Si nanay na muna ang nagpakain kay LJ. Balak kong lumabas ngayon kasama ang anak ko papunta sa mall. Makikipagkita ako kay ate Janna. Nakareceive kasi ako ng text this morning na gusto niyang mag-hang out kami today since ngayon ang huling araw niya bilang isang Miss Ruiz at magiging Mrs. Ruiz-Mariano na siya. Sa sabado na siya ikakasal eh. Isa ako sa mga groom's men na kinuha ng mapapangasawa niya na si kuya Clark. Isa siyang tagapagmana ng TruNorth Company. Isa sa pinaka-successful at pinakamayaman na kumpanya sa buong North America.

"Kuya, saan ka pupunta?", tanong ni Juliette habang nakasilip sa may pinto ng aking kwarto.

"Lalabas si kuya, kasama si baby LJ. Ipapakilala ko siya kay ate Janna."

"Oh I see. Pakisabi nalang kay ate na nag-Hi ako at miss ko na siya. Lalo na't ikakasal na siya."

"I will. Huwag kang kain ng kain ha. Baka hindi kumasya yung gown mo para sa sabado. Lagot ka kay ate Janna kapag wala ka sa kasal niya, sige ka.", siya kasi ay isang flower girl para sa kasal ni ate.

"Don't worry, dear brother. I got this!", ahaha. Talaga naman ang batang 'to. Lumabas na siya ng kwarto ko.

Calling... Ate Janna

....

[Hello?]

"Ate Janna, saan ka na?"

[paalis palang ako ng bahay. Ikaw ba?]

"Paalis palang din. Sige, magkita nalang tayo ha."

[Oh sige, see you. Careful when you drive, okay?]

"Alright. Bye."

*doodoo*

---

Pagkadating ko sa mall ay dumeretso ako sa Starbucks. Sinabi kasi niyang doon nalang kami magkita. Natanaw ko naman siya kaya agad ko siyang nilapitan. Papalapit na ako nang mapansin niya ako at kumaway pero parang napalitan ng gulat ang mukha niyang nang mapansing may buhat-buhat akong bata. Pagkalapit ko sa kaniya ay humalik ako sa pisngi niya, pero napansin kong nasa bata pa rin ang atensyon niya.

"Earth to ate Janna.", napatingin naman siya sa akin. "Oh ano na? Haha!"

"Kean... Anak mo?", tumango ako. "Pwede ko ba siyang buhatin?", tumango ulit ako at saka inabot sa kaniya ang bata. Bakas sa mukha ni ate ang saya sa mukha niya. Natutuwa siya sa bata. "You look like your daddy. *and you surely got some of your mommy's traits too, pero ang lakas pa rin ng dugong Ruiz*.", may sinabi siya sa huli pero hindi ko na narinig. Ano kaya yun? "Ano'ng pangalan?"

"Luke Jackson. LJ ang tawag namin sa kaniya."

"That's a nice name. Nasaan ang nanay?"

"Iyon nga ang problema ate. Hindi ko alam kung nasaan. Ni hindi ko nga rin kilala kung sino ang nanay. Hay, aayusin ko na muna ang tungkol sa bata pagkatapos ay hahanapin ko ang nanay.", nakikita ko ang ibang traits ni Keila sa kaniya pero imposible... Pero pwedeng posible rin. Ay ewan ko. Nangangarap na naman ako. *hindi naman masama diba? Hehe*.

Janna's POV

Janice Reena Ruiz, soon to be Mrs. Mariano here. I'm Kean's eldest and closest girl cousin. Nang makita ko siyang buhat-buhat si LJ ay talagang nagulat ako. Malaki na din pala ang bata. Ayon sa aking nalaman ay sa pangalawang pagkakataon na may nangyari ulit sa kanila ni Kean ay nagbunga ito. May nangyari kasi ulit sa kanila bago sila magkahiwalay, bago maaksidente si Kean. Kaya nang maipanganak si LJ ay wala na si Keila dito. Yamang lumayo si Keila at nag-abroad, doon na niya naipanganak si LJ. Iyon ang aking alam.

"Kean, paano mo ba planong hanapin ang nanay ng bata?", kung pwede ko lang ituro sa kaniya kung sino eh! Kaso mahirap na at baka hindi lang siya maniwala. Hay, I'll let him do the work.

"Saka ko na iisipin iyon. Anak ko muna ang aasikasuhin ko ngayon.", nakakatuwa na inaangkin agad niyang anak niya si LJ kahit wala pang confirmation. Keila, I wish you were here to hear all he's saying right now. Alam kong mahal pa din ni Kean si Keila. Deep inside, I know he still does. Kaya lang ay natatakpan ito ng mga ulap yamang wala ngang maalala si Kean. One day, things will fall back to their own places. I'm very positive about it.

Nag-gala nalang kami ni Kean kung saan-saan. Tinulungan ko siyang mamili ng mga gamit ng anak niya. Mukhang nageenjoy talaga ng husto si Kean sa pagiging ama ng bata. Pasimple kong kinuhanan ng litrato ang mag-ama. I sent the picture to Josh. Alam kong siya lang ang may contact kay Keila. Noong huli kaming nagkita ni Keila sa ospital ay nakalimutan kong kunin ang number niya =__= Ay nako. But anyways, I know na isesend niya naman 'to kay Keila.

'Keila, sa susunod, dapat kasama ka na sa picture na ito. Magiging isang perpektong halimbawa kayo ng isang masayang pamilya. One day...'

===

{A/N: SHORT UPDATE, BUT THANKS FOR WAITING PEOPLE. :) MAGIGING BUSY NA TALAGA SA MGA SUSUNOD NA LINGGO. FINALS NA BAGO MAG-SUMMER VACATION EH. CAN'T WAIT. Anyways, 'til next chapter. ♥︎}

PS: LOOK SA SIDE OH, SI DADDY KEAN WITH BABY LUKE JACKSON. ♥︎♥︎♥︎

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now