Chapter 38

886 14 0
                                    

"She's Back!"






Keila's POV


"Talaga?... Aba, it's about time!... O sige, sasabihin ko kay Kean... See you later... Bye.", saka ko ibinaba ang tawag. Sakto namang may kumatok sa pintuan ng opisina ko. "Come in.", hindi kasi ako nakatingin sa may pinto dahil nagaayos ako ng mga papeles ulit. Dahil sa mga pag-absent ko ay tambak ako ng trabaho ngayon.





"Mommy!", doon lang ako napatingala nang makita ko ang anak ko, at kasama niya si tita Janine! This is... something I still have to get used to.





"Why, baby! You're here.", sabi ko at saka siya niyakap at hinalikan sa pisngi. Tumayo rin ako at lumapit kay tita Janine. Nakipag-beso-beso siya sa akin. "Good afternoon po tita Janine."





"Good afternoon din. Pasensya ka na at naabala ka pa ata namin sa trabaho mo."





"Naku, hindi po tita. In fact, masaya ako at nakadalaw kayo dito. Ano po pala ang sadya niyo dito?"





"Nagyaya ang apo ko na makita kayo ni Kean eh. Turns out na magkaiba pala kayo ng building."





"Ah opo, under po siya ng management ni kuya eh, samantalang ako naman po ay kay ate.", tumango-tango naman siya.





"Hija, may gusto akong itanong.", binigyan ko muna ng tingin ang anak ko na nagcocolor lang sa kaniyang coloring book, sa may mini couch ko. Tumango naman ako kay tita nang ibaling ko na ulit sa kaniya ang atensyon ko. Niyaya ko na muna siyang umupo sa may harapan ng desk ko.





"Ano po iyon, tita?"





"May... galit ba ang ate mo sa amin?", bahagya akong natigilan sa tanong niya. "I mean... nagkrus kasi ang landas namin kanina. Medyo malamig ang trato niya sa akin.", napaisip naman ako. Naaalala ko tuloy yung biglaang outburst niya sa akin.

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now