Chapter 15

2.3K 39 0
                                    

"CONNECTION: CONFIRMED!"

{A/N: Heeyyyy. I got 3 weeks left bago ako makauwi ulit ng Pilipinas. Excited na ko ^___^}



Kean's POV

[2 months later...]

Finals na namin. 2 weeks nalang ang natitira at magbabakasyon na kami. Sa wakas ay makakagraduate na rin kami. Wala naman nangyari netong huli. I started working at kuya Angelo's company kaya naman nakakaipon na ako ng pera para sa sarili ko.




Nandito ako sa study room habang pilit na nagpopokus sa exams nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang umiiyak kong anak. Yes, confirmed na anak ko siya. Sobrang saya ko nang mareceive ko ang results ng DNA test. Hindi ko muna sasabihin sa mga magulang ako. Sa ngayon ay wala talaga akong plano na ipaalam ito sa kanila.




"Oh baby, bakit ka umiiyak?", nagpapanic kong tanong sa kaniya.




"Dapa ako, papa...", tapos umiyak na naman siya. Naturuan ko din syang makasalita kahit papaano. Ipapasok ko sya sa daycare sa susunod na taon. Nakita ko namang may scratch ang tuhod nya at may nagdudugong sugat sa may braso nya.




"Ano ba kasi ang ginagawa mo baby? Were you running?", umiling siya. "Eh paano ka nadapa?"




"Sa stairs po sa labas... Sala paa ko...",tapos umiyak na naman siya. Ahh, gets ko na. Since bato yung hagdan sa labas eh nagsala ang paa niya ng hakbang. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko.




"Teka lang ha. Kukuha si papa ng gamot para sa sugat.", tumango naman siya. Agad kong kinuha ang medicine kit. Kumuha rin ako ng towel na basa na mejo warm para malinisan muna ang sugat nya bago gamutin. "It will hurt a bit okay?", tumango sya at pumikit ng marahan ng i-apply ko na ang gamot. Pagkatapos nun ay nilagyan ko na ng band-aid ang sugat nya. "Alright. You're done."




"Thank you papa.", tapos ay niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. I smiled and hugged him back.




Nagtungo ulit ako sa study room habang ang anak ko ay inaalagaan ni nanay Joy.




*tok tok




"Sir Kean, nandito po si sir Yuchuan."




"Papasukin mo nalang dito, please. Thank you."




"Kean, kumusta na?", tapos ay nakipagkamayan sakin ang isa kong kaibigan. Nakilala ko siya sa engagement party ni ate Janna few months ago.




"Okay lang ako. Ah, Yuchuan, ano'ng meron?", tapos ay may inilapag siyang enveloppe sa aking desk.




"All the things you asked me to make a research on are in there. No more, no less."




"Great! Salamat talaga Yuchuan. How much?", umiling naman siya.




"No need to pay Kean. Gusto kong tulungan kang malaman ang katotohanan. Kaya wala itong kapalit."




"Salamat Yuchuan. Maasahan ka talaga. Ah gusto mo bang magkape muna?"




"No. Thank you. I know that you're busy yamang finals na at gagraduate ka na so I'll leave."




"Sige, salamat talaga.", tapos ay umalis na siya.




Mamaya ko nalang titingnan ang laman ng enveloppe. Kailangan kong itago ito ng mabuti. Baka may mangeelam eh. Tch!




After few hours ay natapos na rin akong mag review. Namimiss ko siya. Di na rin kami masiyadong naguusap eh. Busy na rin kasi sa graduation preparations. Text ko kaya siya? Hays, nahihiya kasi ako. Di ko pa rin nakakalimutan yung nangyari sa reception ng wedding ni ate Janna. Hindi maalis sa utak ko ang itsura niya habang buhat-buhat ang aking anak.




"Haaay..."




"You seem to be done studying.", napalingon naman ako sa nagsalita.




"Ate Janna!", tapos ay nilapitan ko siya at niyakap. "How are you?"




"Great. My husband is downstairs.Nilalaro ang anak mo."



"Oh ganon ba. So what brings you here?"



"I have a news to announce."



"Spill."



"Okay... Uh... I'm pregnant", nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa aking narinig.


"Oh my God! I'm so happy for you ate! Congrats!", tapos ay niyakap ko siya.



"Thanks pinsan."



Pinuntahan namin si kuya Clark sa living room. Binabasahan niya ng story ang anak ko. Bagay sa kaniya ang maging ama. Bigla naman silang napalingon sa amin. Nang makita ako ng anak ko ay agad siyang tumakbo papunta sakin. "Kuya Clark, congrats pala ha.", tapos ay nakipagkamay siya sa akin.



"Salamat. Mahirap ba magka-anak?", hindi ko akalaing ako pa ang makakapagbigay ng advices about having a child.



"Mejo mahirap pero masaya.", tapos ay nagkwentuhan na kami ng kung anu-ano.

Nilalaro muna ulit ni kuya Clark ang anak ko habang nakaupo kami ni ate Janna sa may backyard. Pareho kaming tahimik. Parang naghihintayan kung sino muna ang magsasalita. Ang dami kong tanong. Unti-unti akong nakakakuha ng clues tungkol sa nakaraan ko pero... wala pa rin akong idea sa kung ano ba talaga ang meron at ang nangyari sakin.

"Kean, spill. What's bothering you?", bigla naman akong napalingon kay ate. She's looking at me with a nervous expression.

"Ate... 2 months ago... Noong kasal mo, yung maid of honor...", I saw her tense after mentioning about the maid of honor. "There is something about her that's really bothering me. You know her... How?", nanatiling tahimik si ate for almost full 10 minutes. "Ate, may koneksyon ba siya sa nakaraan ko?", then she looked at me, her eyes widening. But then she quickly looked away and her expression changed.

"Kilala ko na siya noon pa. She's a friend because my cousin, Daris, has a friend who happened to be her cousin and so pinakilala kami sa isa't-isa and that's how I knew her. As for your second question, what made you think that way?"

"Malakas ang kutob ko na meron. Not only because of her looking like my son but because I found so many proofs. At sobrang nakakasakit ng ulo."

"Ano ba ang gusto mo?"

"Tell me... may koneksyon ba sya sa nakaraan ko?", nagaalangan ang itsura ni ate. Alam kong parang nai-stress sya. Pero damn, I need answers. Kahit isa lang muna sa ngayon ang makumpirma, ayos lang. I'll take everything in slowly. Huminga si ate ng malalim at muli akong hinarap.

"You want the truth right?", tumango ako. Huminga muna ulit siya. "Oo, Kean. May koneksyon sya sa nakaraan mo.", one down.

===

{a/n: bakit feeling ko nagiging senseless na updates ko T__T... at bakit feeling ko eh matatapos na toh? hahaha wag muna diba? xD unti unti ng nalalaman ni Kean ang totoo. halaaa party party! chos XD}

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now