Chapter 7

3.2K 45 2
                                    

"CONFUSION"



KEAN's POV

Panay ang pagtingin ko sa paligid. Hmm, nasaan kaya siya? Iniiwasan kaya niya ako? Pero kung ganoon, bakit? May nagawa ba ako? Na-offend ko ba siya? Nakakairita na ba akong kasama?

"Oh tol, ano na naman ang iniisip mo? Ang down mo eh." -- Josh

"Wala naman. Nothing big. Nagtataka lang ako kasi hindi ko pa siya nakikita. Wala siya sa morning classes natin eh."

"Hmm, oo nga no. Absent siguro." -- Dennis

"I don't think so. Tingnan niyo oh", napalingon naman kaming lahat sa itinuro ni Michael. Wah! Pumasok siya! Pero... Sino yung naghatid sa kaniya? Tsssk -__- Baka yung lalaki kahapon. "Oy pre, baka matunaw naman si Keila."

"Ang ganda niya talaga. Something tells me that I've met her before."

*SILENCE

Hmm? Ba't tumahimik ang tatlo kong kaibigan? Tiningnan ko sila at pareho silang nakatungo. Ang mga expression ng muka nila ay parang nagaalala na nalulungkot na hindi ko maintindihan -_- May nasabi ba akong masama?

"Oh, parang pasan niyo na ang problema ng mundo ah. Problema niyo?", tanong ko habang natatawa ng kaunti.

"Ha? Wala. Tara na, punta na tayo sa lockers natin. Maaga ang simula ng klase ngayon diba?" -- Dennis

"Oo nga pala. Nako! Patay. Hindi ko natapos yung report ko para mamaya. Ugh! Paniguradong mababa ang grade ko nito." -- Michael

"Psh! At least mababa, hindi bagsak. Diba?" -- Josh

Lumakad na silang tatlo, pero ako ay nanatiling nakatayo pa rin habang nakatingin sa malayo. Well, alam niyo na kung saan ako nakatingin. Ang hinhin niyang kumilos at maglakad. Ang ganda niya talaga. She looks so innocent. Gusto ko sana siyang sabayan kaso mukhang natagpuan na siya ng mga kaibigan niya. Oh well...

Habang naglalakad ako sa hallway ay mga babaeng nagtitilian sa tabi. Tch! Ang ingay. Nakakairita. -___-

"Pre, gusto mo plantsahin ko mukha mo para hindi masyadong busangot?" -- Josh

"Sira. Tara na nga sa classroom.", papaalis na kami nang mapansin kong papunta sa direksyon ko ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Parang tumigil ang pagikot ng mundo ko, wala na akong ibang marinig, wala na akong ibang makita kundi siya lang. Ughh! Ang corny ko na -_-

"Hoy Kean, tara na. Mamaya na ang titig kay Keila. Paabutin mo naman siya hanggang classroom.", asar ni Michael sabay hila nilang tatlo sa akin papalayo sa lugar na iyon.





Ang boring sa klase. Napatingin naman ako sa lugar ni Keila. She's listening attentively. Buti pa siya at nakapokus. Samantalang ako eh inaantok talaga -_- Bakit ba ang boring ng klaseng 'to? Dahil ba sa subject o dahil ba sa teacher ko? Tch! Baka parehas? Aish! Ewan. Tumingin nalang ako kay Keila...

• • •

"Huy, Kean! Makinig ka nga sa teacher. Lagi ka nalang nakatulala"

"Ayaw ko... Nakakatamad kaya..."

"Tatamarin ka talaga, hindi ka nakikinig eh. Wala ang atensyon mo dito."

"Wala nga, kasi...", sabay tingin ko sa kaniya.

• • •

Ha...? Ano yun...? B-bakit... B-bakit parang boses ni Keila ang narinig ko..? What the hell was that..?

"Kean, are you okay?", napatingin naman ako sa tumawag sakin. Ang teacher ko pala. Nakatingin na rin ang ibang kaklase ko, including her.

"Uh, yeah... I'm fine..."

"You don't seem like it though. Hmm, ah, miss Keila, please bring him to the nurse's office please.", napatingin naman ako sa kaniya. Parang nagulat siya at na gusto niyang magmakaawa na ang iba nalang ang magdala sa akin. Ayaw nya ba talaga sa akin? :(

"Yes ma'am.", tapos ay tumayo siya at pinuntahan ako. Inalalayan niya ako papuntang nurse's office.

Pagkarating namin sa clinic ay walang tao.

"Mahiga ka nalang muna doon. Maghahanap lang ako ng gamot dito para sa head ache reliever. And seriously, you look pale. Are you really okay? Gusto mo bang tumawag ako sa ospital?"

"H-ha? Hindi na. Ayos lang ako. Siguro kailangan ko lang talaga na magpahinga."

"Hmm, sige. Maiwan muna kita saglit ha, maghahanap lang ako ng gamot."

"Sige, salamat", at saka siya umalis.

• • •

"May sakit ka na naman. Ang sakitin mo talaga"

"Nagsalita ang hindi."

"Hindi naman kasi talaga. Oh teka lang ha, maghahanap lang ako ng gamot."

"Opo mommy, thank you."

"Rest well anak. Haha!"

• • •

UGHHH. SINO BA SIYA?! BAKIT HINDI KO MAKITA ANG MUKHA NIYA?! BAKIT HINDI KO SIYA MAALALA?! AT BAKIT KABOSES NIYA SI KEILA?!?

"Ughh..."

"K-kean? A-are you okay? Sobrang sakit ba?", nagpapanic na tanong ni Keila sa akin.

"K-keila... Sino ka ba talaga...?"

Napansin kong natigilan siya sa tanong ko pero at that moment na sasagot pa sana siya ay... *BLACK OUT*

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now