Chapter 8

2.9K 40 7
                                    

"DISTANT"


KEAN'S POV

Simula noong araw na nagblack-out ako ay hindi ko na siya nakausap o nakasama man lang. Tuwing mapapalapit ako sa direksyon niya, I don't know if it was on purpose or not, pero lumalayo siya. Todo iwas kumbaga. Ewan ko. Baka ako lang iyon?

Walang pasok ngayon.

"Kean?", napatingin naman ako sa tumawag sa akin. "Ikaw nga, kaibigan ako ni Keila. I'm Dash. Taga-kabilang building ako kasi iba ang course ko sa inyo.", tapos iniabot niya sa akin ang kamay niya para makipagkamay.

"Uh hi, paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Ah, malamang kay Keila. Haha! Madalas ko kasi makita na ikaw at ang mga kaibigan mo ay nalapit sa kaniya."

"Hmm gano'n ba. Parang umiiwas nga siya sa akin. Hindi ko naman matandaan kung may nagawa akong mali sa kaniya o ano."

"Baka nagiisip ka lang masiyado. Wag praning. Edi kausapin mo siya. Call her or something."

"Good idea. Sige salamat Dash and it was nice to meet you.", tapos ngumiti nalang siya at saka ako naglakad papalayo.

Pero paano ko naman sya kakausapin mamaya? Tch! What should I tell her then? 'Hey, did I do something wrong?' Nah, too straightforward. 'Hey, why are you avoiding me?', mas straightforward -_- 'So how are we doing?', tss! We're not even going out. Ugh!

*PHONE RINGING

Keila calling...

*answer*

"Hello?"

[Hey, can we talk?]

"Sure! I actually wanted to talk to you too. Ngayon na ba?"

[Uhm, if it's possible.]

"Sure. Where are you?"

[Let's meet sa Starbucks sa loob ng mall]

"Sige, i'll be there soon"

[Alright, take care]

*END CALL

GOD! Ang bading pero kinikilig ako! 'Take care'. Yieeee! Ingat daw ako at baka madisgrasya. Magiging kami pa eh. Haha! Ang hangin ko no? Pagbigyan. Kinikilig yung tao eh. XD

---

Nandito na ako sa may tapat ng Starbucks. Madali ko naman syang nahanap kasi siya lang naman talaga ang nakikita ng mga mata ko. Oha! Nabanat pa. Okay, shut up Kean.

"Hi Keila", mejo nagulat ata siya.

"Oh hi, upo ka.", I sat across her.

Awkward... Wala ni isa sa amin ang nagsasalita and I don't even know why. Napatingin ako sa kaniya at mejo lutang siya.

"Keila. May problema ba?", muka naman syang nabalik na sa katinuan kasi bigla siyang tumingin ng deretso sa akin.

"Huh? Wala naman. Ano... Kean... M-may gusto sana kasi akong hingin."

"Huh? Ano naman yun?"

"K-Kean, kasi... Kung maaari umiwas nalang muna tayo sa isa't isa.", parang tumigil ang mundo ko nang sabihin niya sa akin iyan.

"Bakit naman Keila?! May nagawa ba ako?? Sabihin mo sa akin. Pangako, magbabago ako.", pero umiling lang siya ng umiling at nahalata kong parang nahihirapan din siya.

"No... It's not like that. Pero please Kean, pagbigyan mo na ako. I know wala ako sa lugar para magmakaawa sayo ng ganito pero please...?"

"Bakit..? Bakit biglaan naman 'to Keila..?", hindi ko maitago yung sakit na nararamdaman ko. Mejo natigilan naman siya sa tanong ko. "May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan at ngayon ay pinapalayo mo na ako?"

"Kean... No... It's not like that...", tapos ay tumungo siya. "Just please... It's for your sake too..."

Wala akong masabi... Bakit ganito...? For my sake daw? I just can't accept the fact that she wants me to stay away from her. But she wants it... I'd do anything for her. That's how in love I am with this girl. Yes... I'm in love with her. I don't know, it just happened. In such a short period of time, it feels like we're connected somehow.

"Sige... Pumapayag na ako.", matamlay kong sagot sa kaniya.

"Kean... Sana hindi mo masamain yung pabor kong ito. I don't wanna chase you out of my life either. For now, ganito nalang muna ha? I'm sorry and thank you..."

"Okay lang. If that's what you want. I'll do it. Anyways... Sige Keila, uhm, gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?"

"Huh? Uh hindi na. May susundo sa akin eh.", hmm? Hindi kaya yung lalaki na kasama niya noon? "Sige Kean, gagala muna ako. Bibili para sa anak k--- anak ng pinsan ko. B-birthday kasi eh."

"Uh sige... Ingat ka Keila. Bye", tapos ay nag-wave nalang siya sa akin at saka ako umalis. I guess this is how things will be... For now.

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now