Chapter 32

1K 13 3
                                    

"CONDITIONS"



KEILA's POV





Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi pa din nawawala ang chismis na ikinalat ng tatay ni Zeke. May ilang empleyado pa din ang nanindigan sa kanilang sariling paniniwala tungkol sa isyu na iyon. Napapailing nalang ako kapag nakakarinig ako ng mga usap-usapan tungkol doon.











*tok tok


[Keila, si ate 'to.], bago pa man ako makapagsalita ay bumukas na ang pinto at saka pumasok si ate. Sinara niya agad ito, pati ang blinds ng opisina ko ay isinara niya din. "We need to talk.", iginaya ko siya na umupo sa may mini couch ko dito at umupo ako sa kabilang side.











"Ano'ng problema ate?"











"Hindi titigil si mr. Gutierrez hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam mo iyon diba?", tumango naman ako. "Apparently, naglalabas na naman ang kumpaniya niya ng bagong mga articles sa website nila.", panandalian siyang nag-search saglit sa tablet niya at ipinakita sakin ang hinahanap niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.











"Ate, ano'ng ibig sabihin nito?! Papaanong kasama ang kumpaniya natin sa mapapasailalim ng kontrol niya?!", this is really going far. Pinaghirapan ng mga magulang ko at ng mga magulang nila na itayo ang kumpaniya. We have come this far! Hindi ko hahayaan na mawala lahat ng iyon dahil lang sa walang hiyang yo'n. "Kailangan kong makausap si mr. Gutierrez.", tumayo ako at pumunta ako sa may desk ko para ayusin ang ilang gamit ko.











"At ano Keila, susunod ka sa kagustuhan niya?! No, Keila! Hindi kita hahayaan na ipagpalit ang pamilya mo para lang sa kagustuhan ng hudas na iyon!"











"Hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko. Kakausapin ko siya. There should be a way to somehow get through this. Sumosobra na siya! At papaanong mapupunta sa kontrol niya ang kumpaniya na ito? Di ko maintindihan!"











"Listen to me, alam mo naman kung gaano kalakas ang kumpaniya ng mga Gutierrez. As I've said before, kayang mag-manipulate ng tauhan si mr. Gutierrez.", huminga ng malalim si ate at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Maging matalino ka Bianca. Ngayon palang, pinapaikot ka na niya, what more kapag nakipagkita ka sa kaniya?"











"Kaya ko 'to, ate. I can't let him do this anymore. Pero ang kasal na sinasabi niya ay hinding-hindi matutuloy. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon."


















Nag-send nalang ako ng text kay Kean at sinabing huwag na niya ako hintayin mamayang uwian. Hindi ko pinaalam sa kaniya na makikipagkita ako sa uncle niya dahil baka sumunod pa siya at kung ano pa ang gawin niya. Kailangan kong harapin ito ng mag-isa.











Lumapit ako agad sa receptionist. "Excuse me, I would like to speak with mr. George Gutierrez. Can you please phone him for me?"











"Please wait for a little while, Madame.", magalang na pagsagot niya sa akin at saka kumontak siguro ay sa secretary ni mr. Gutierrez. "He will see you now, Madame. Just take the elevator to15th floor."











"Thank you.", ngumiti ito sa akin at tumango. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad na sumakay ng elevator. Panay lang ang tigil nito sa bawat floor. Tsk! Naman eh! Patagal pa 'tong mga 'to. Kainis.











"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now