Chapter 14

2.5K 33 0
                                    

"A BOX OF MEMORIES"











Kean's POV







"Kuyaaaa!", bigla naman akong napabalikwas dahil sa sigaw ng kapatid ko =__= Ugh, ang sakit ng ulo ko. "Kuyaaaa! May naghahanap sayo!", tapos biglang bumukas ang kwarto ko. "Kuyaaaaa--- *pok!*", binato ko nga ng unan =__= Unlimited tong kapatid ko eh. Tsaka nakalunok ba 'to ng microphone? Sheesh =__= "Bad ka kuya. Bumangon ka na nga dyan!", tapos hinila niya yung kumot ko paalis sa akin at pilit akong itinatayo. I surrender. Sigh =__=







"Alright, alright. Now, please, out of my room. I-entertain mo muna ang bisita kung sinuman yun kung gusto mo.", tapos tumakbo na ulit palabas si Juliette. Haay, inaantok pa ako. Bigla akong nakaramdam na parang magsusuka kaya napatakbo naman ako papunta sa banyo.







*BLUGHH







Ughhhh! Gaano ba kadami ang nainom ko kagabi? Sheesh =_= Makaligo na nga at makapag-ayos.







Di ko pa rin maalis sa isipan ko ang itsura ni Keila at ni LJ kagabi. They looked so much alike. Aishh! Pero imposible!... Pero posible rin. I lost my memories few years ago. But aish! I don't know anymore. Ugh! Pinatay ko na ang shower at agad na tinuyo ang katawan ko saka nagbihis. Binilisan ko na kasi nakakahiya naman sa kung sinumang bisita iyon.







"Hijo, mag-agahan ka muna.", sabi ni nanay Joy sa akin.







"Mamaya na po. May bisita daw po ako, sabi ni Juliette."







"Ay oo, hijo. Nasa may backyard siya. Doon ko nalang siya pinatuloy at pinakain rin ng agahan. Gusto mo bang doon nalang rin kumain?", tumango ako. "Sige, puntahan mo na sya at isusunod ko nalang ang pagkain mo.", tumango ako at nagpasalamat. Pinuntahan ko naman ang bisita ko daw. Lalaki. Sino 'to?







"Excuse me?", bigla syang napalingon sakin. What the. Am I hallucinating or hawig nya si Keila? Guy version though. "How may I help you?"







"I'm Angelo. Isa ako sa business partner ng pinsan mong si Janice.", tapos ay nakipag-kamay siya sa akin.







"Kean Ruiz."







"I know that you were not expecting my sudden visit. But I'm here to talk about some things with you. Well, of course, since alam kong kagigising mo lang kani-kanina, kumain muna tayo."







Tahimik lang akong nakain habang sya naman ay nagkakape at nakatingin lang sa kawalan. Bakit ba ako kinakabahan? =_=' Ano ba yan.







"Kean, gusto kong malaman ang totoong nangyari sa iyo 3 years ago.", nagulat naman ako sa sinabi nya.







"Uh, paano mo nalaman ang nangyari sa akin?"







"I'm your cousin's very close business partner. Actually childhood friend ko siya pero nagkahiwalay kami for about 6 years at nagkita lang muli nang maging business partner ng kumpanya ko ang kumpaniya nila. Dahil sa ikaw ang pinaka-close niyang pinsan ay naikekwento ka nya sa akin. In fact, nagkakilala na tayong dalawa noon.", muli ay natigilan ako. Iba ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Parang may gusto siyang ipahiwatig.







"Remember Me" (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon