Chapter 53

1.1K 15 0
                                    

"RECONCILIATION"




Kinakabahan ako mga teh! *paypay sa sarili*

De, seryoso. Kinakabahan talaga ako ngayon. Matapos kasi na magpropose sa akin si Kean, napagdesisyunan niya, well... namin, na sabay na humarap sa mama niya. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at umo-o ako sa kaniya. Gusto kong umatras. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nagkita ulit kami ng nanay niya. Parang di pa rin kasi ako nakaka-move on sa nangyari. Pero kailan ba ako makaka-move on?

"Babe, please, relax. Ako man ay kinakabahan pero naisip ko na ito na ang tamang panahon para ayusin ang isa pang gusot sa buhay natin.", kalmadong sabi ni Kean. Seryoso, kinakabahan ka pa niyan? Sheesh..

Kaya heto kami, siya ang nagdadrive habang ako ay nasa passenger seat sa tabi niya at si Luke naman ay nasa likod, tulog. Pinagmasdan ko si Kean. Halata na medyo natetense din siya. Halos nababasa ko na maging ang maliliit na gestures niya eh. He is indeed nervous.

Ilang beses akong nanalangin na sana ay maging maayos ang paghaharap namin ng nanay ni Kean. She is still Kean's mother and the grandmother of my child. Hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang karapatan niyang iyon. Oh diba, ang bait ko? Chos.

Muling nag-flashback ulit sa isip ko ang huling naging paguusap namin ng mga magulang ni Kean, kasama si Elizabeth. That time ay nasa ospital si Kean, unconscious. Iniisip ko na naging aggressive talaga ang approach ko. Pero hindi naman nila ko masisisi diba? It was a devastating revelation.

Ngayon naman ay iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa mama ni Kean. 'Hello, nice to see you again'? 'How are you doing?'? Ay nako! Ewan. Minsan napapasabunot ako sa sarili ko... Ang di ko lang alam ay personal ko bang nagagawa o mentally lang ba. I don't know. Wala naman sinasabi si Kean so maybe, sa isip ko lang nasasabunutan ang sarili ko.

Sa tuwing naiisip ko ang nakaraan, katulad ng huling pagkikita at paguusap namin ng mama niya, nakakaramdam ako ng konting kahihiyan sa parte ko. Naging bastos ako. Magulang pa rin siya ni Kean, mas nakakatanda pa rin siya sa akin. Pero iniisip ko nalang na lubos akong nasaktan noong mga panahon na iyon. Napakasakit malaman ang totoong nangyari sa mga magulang ko. Napakasakit rin malaman na dahil sa pangyayari noon kung kaya't ayaw niya sa akin para kay Kean. On the other hand, siguro inayawan niya ako para hindi siya mabuko sa ginawa niya sa mga magulang ko. Pinalayo niya ako para tuluyan na niyang makalimutan ang tungkol sa mga magulang ko. Ganoon yon diba? Hangga't may nakakasalamuha kang kapamilya o kakilala ng taong iniiwasan mo, gagawa ka ng paraan para hindi na muling mag-krus ang landas niyo at malimutan na ng tuluyan ang taong iniiwasan mo.

Hindi rin nagtagal ay dumating na kami sa lugar kung saan nakakulong ang mama ni Kean. Mas lumakas ang kabog ng puso ko. Sa sobrang lakas, nasasakal na ako.

"Babe, breathe. You're turning blue.", nagaalalang saad ni Kean sa akin. Nag-inhale/exhale naman siya at sinabayan ko siya. Unti-unti ng nagi-stabilize ang paghinga ko pero ramdam ko pa rin ang malakas na pagkabog ng puso ko. "We're doing this to finally have a peace of mind, remember?", dahan dahan akong tumango sa kaniya. "Let's get this over with.", saka niya ako iginiya papasok, habang buhat-buhat ko naman si Luke. Tulog pa rin siya eh.

Nakipagusap siya doon sa isang police habang pinaupo naman muna niya ako. Tumingin ako sa paligid. Malinis, organisado at halatang mataas ang security dito. Tipong talagang pinapanood ang bawat kilos mo sa dami ng camera na nakapalibot eh. Maya maya pa ay tumabi na sa akin si Kean, halatang kabado rin siyang harapin ang mama niya. Hinawakan niya ang kamay ko at matipid na ngumiti sa akin.

"Mr. Ruiz?", napalingon kami sa tumawag kay Kean. Kasama ng police ang mama ni Kean na nakaposas ang mga kamay. "You have 10 minutes.", sambit pa nito at tumayo siya sa lugar na hindi kalayuan sa amin, habang umupo na si tita sa harapan namin. May bakas ng guilt ang mga mata nito habang nakatingin sa amin, lalo na nang mapadako ang tingin niya kay Luke.

"Ma.."

"Mabuti naman at nakadalaw kayo sa akin.", malungkot na saad sa amin ni tita. Nakita kong nagngilid ang mga luha niya. Nakatingin lang kami sa kaniya. "Kumusta na kayo?"

"Mabuti po. Ikakasal na po kami ni Keila."

"Really? Masaya ako para sa inyo. Congratulations.", malungkot siyang ngumiti sa amin. Naaawa ako sa lagay niya. "Kailan ba?"

"Siguro po, in a month.", tumango-tango naman ito. Sila lang ang naguusap. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Bumaling ang tingin sa akin ng mama ni Kean.

"Keila, hija.."

"Tita.."

"Alam kong hindi sapat ang paghingi ng tawad ko sa nagawa ko sa mga magulang mo, pero umaasa pa rin ako na magiging maayos na tayo sa hinaharap.", nakikinig lang ako sa sinabi niya. "Siguro nga, hindi kami meant to be ng tatay mo, kundi ikaw at ang anak ko ang meant to be. Naging tulay kami para magkaroon kayong dalawa ng koneksyon sa isa't isa.", inilahad niya ang palad niya sa akin at inilahad ko rin ang akin sa kaniya. Hinaplos niya ang kamay ko.

"Pinapatawad na po namin kayo, tita.", saka tumulo ang luha ko. Ngumiti siya sa akin at tumulo rin ang luha niya.

Nakipagusap siya sa anak namin. Ginagampanan niyang maigi ang papel nito bilang lola sa anak namin. Masaya siya. Bakas na bakas ito sa mukha niya. Panay ang yakap niya dito. Napapangiti nalang rin kami ni Kean habang pinapanood sila.

Bumalik na sa amin si Luke. Binunat na siya ni Kean. Muling hinawakan ni tita ang kamay ko.

"Pinalaki kang maayos at may magandang-asal ng mga magulang mo. Panatag ako na magiging masaya ang anak ko sa iyo. Ingatan at alagaan mo siya sa lugar ko kapag naging magasawa na kayo. Wala akong ibang hangad kundi ang kasiyahan niyong dalawa.", nagngingilid na naman ang mga luha ko.

"Tita.."

"Ma, bakit kung makapagbilin kayo ay parang mawawala kayo?", nanginginig na ang boses ni Kean habang tinanong niya ang mama niya. Ngumiti ito ng malungkot sa amin.

"I wish you happiness, anak.. Keila. Alagaan niyo ang isa't isa at mahalin niyo ang isa't isa. Gayon din ang apo ko, si Luke. Huwag niyo siyang papabayaan."

"Time is up.", pagentra ng pulis at kinuha na si mama.

"Wait.. Ma! Ma!"

Hindi na niya kami nilingon.

Lumabas na kami ni Kean at parehas na naguguluhan sa inasta ni Kean. Hindi agad niya pinaandar ang sasakyan. Marahil iniisip pa rin ang mga sinabi ni tita sa amin na parang naghahabilin na siya.

"Babe.."

"May mali, Keila. May mali..", saad niya. Maging ako ay ganoon din ang iniisip.

Sana mali ang hinala ko na may mabigat na desisyon na ang korte patungkol sa kaniyang parusa sa pagpatay sa mga magulang ko.

Tita, you're not leaving us, right?

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now