Chapter 23

1.5K 20 0
                                    

"SICK BABY"

Kean's POV

Nagising ako dahil sa iyak ng anak ko. Grabe, ano'ng oras lang? *tingin sa orasan*. Hay, alas tres palang ng umaga. Parang iilang oras palang akong tulog. Bumangon ako agad at pinuntahan si LJ sa kabilang kwarto.

"Anak bakit?", iyak lang siya ng iyak. Binuhat ko siya at pilit na pinapakalma. Last night, biglang sumama ang pakiramdam niya. Ngayon, ramdam kong tumaas ang temperature niya. Ang init-init ng katawan niya. Kawawa naman ang anak ko. "We'll see a doctor later, okay?", pilit ko pa rin siyang pinapatahan. Mukhang masama na talaga ang pakiramdam niya.

*tok tok tok

"Oh hijo, nanjan ka pala."

"Nanay, pasensya at nagising yata kayo ng iyak ng anak ko."

"Walang problema. Ako na ang magaalaga sa kaniya. May trabaho ka pa."

"Baka po mag-off muna ako para madala siya sa ospital at maalagaan na rin."

"Ganon ba. Pero ako na rin ang bahala. Matulog ka na muna para may sapat kang lakas mamaya."

"Sige po, nay. Salamat.", ipinasa ko kay nanay Joy ang anak ko at saka hinaplos ng marahan ang ulo ni LJ. Saka ako nagtungo sa aking kwarto. Tila parang hinihila ako ng kama ko ay bagsak na agad ang mga mata ko pagkahiga ko.

Few hours later...

8:53am

"Kuya! Gising na! Nagsusuka si LJ!", my eyes immediately opened as soon as I heard what my little sister said. Tumayo ako agad at pinuntahan sa kabilang kwarto ang anak ko. Nandoon si Nanay at ang kapatid kong lalaki.

"Kuya, dalin na natin sa ospital.", sabi ni Arwin, ang kapatid kong lalaki.

"May kinain ba siya kanina at bigla siyang sumuka, 'nay?"

"Eh sinubukan ko siyang pakainin ng lugaw hijo. Then few minutes later, bigla siyang nagsuka.", iyak lang ng iyak si LJ. Binuhat ko na muna siya at hinahagod ang likod niya.

"Nabigla siguro ang sikmura niya. 'Nay, pakisabi naman po sa driver na ihanda ang sasakyan. Ipapa-check up ko na po siya.", tumango naman siya at lumabas agad ng kwarto. "Arwin, maglagay ka ng t-shirt at towel sa loob ng bag ni LJ. Juliette, kumuha ka ng bottled water at saka ng biscuit.", sinunod naman agad ng mga kapatid ko ang inuutos ko. Nako! Kailangan ko pa palang magpaalam kay kuya Angelo.

Buhat-buhat ko pa rin ang anak ko. Pumunta na ako sa kwarto ko at hinanap ang cellphone ko. Pambihira, saan ko ba kasi nilalagay iyon? -_- Ah! There it is.

Calling... Kuya Angelo

...

[Hello?]

"Kuya, si Kean 'to."

[Oo nga. Oh ano'ng meron? Ba't wala ka ngayon?]

"Ano kasi.. may sakit ang anak ko at---"

[May anak ka?!], {A/N: Uwaah ang galing mo magpanggap, Angelo XD]

"Ah- Eh- Saka na ako magkekwento pero kasi may sakit siya, nilalagnat kasi then just few minutes ago, nagsusuka siya. Eh dadalin ko siya sa ospital ngayon para mapa-check up."

[Gano'n ba. Osige sige. Sana maging maayos na ang anak mo. Ingat kayo. I can give you 3 days off.]

"Salamat kuya."

[No problem, bro. Ipaalam mo kay Keila ha. Baka hintayin ka nun after work.]

"I will."

"Remember Me" (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon