CHAPTER - 25 ( Coffee Taste )

1.8K 286 198
                                    

YUNA....

"OH my gosh, totoo ba yung nakita ko? A-asawa ka ng VIP natin?" Nanlalaki ang mga mata ni Sonia ng hilahin ako matapos makapasok sa conference room ang mga VIP's .

"Sabi ko sayo asawa ko yon" namumula pa rin ang mukha ko ng sumagot sa kanya.

Hinablot pa nito ang ID tag na ikinabit sa akin ni Paolo at parang banong tinitigan yon.

"P-paano nangyari? Paano ka naging asawa ng Billionaire na yon? At isa pa bakit nandito ka?"

Nagiwas ako ng tingin sa kaibigan. Sasabihin ko ba dito ang lahat? Pero wala naman masama kung malaman nya diba? Kaibigan ko naman ito, kaya isinalaysay ko sa kanya ang sitwasyon na ikinawindang ng babae.

"Talaga? Naku Yuna yung ganong kagwapo mahirap makalimutan, hala sya !!" Reaksyon nya.

"Sonia ang bunganga mo ha, sekreto lang yan, baka mapagalitan ako ni Paolo kapag nalaman nya."

"Oo, secret lang. Pero nakakabigla talaga Yuna. Kaya pala deadma ang palipad hangin ni Sir DM sayo, panlaban pala si hubby mo" tukso pa nya sa akin. Nginitian ko lang ito.

Ilang sandali pa ay di parin talaga ito mapakinali. Kinuha pa ang magazine na naroon at pinasadahan ng tingin ang bio ng asawa ko. Napailing-iling pa ang babae.

"Tskk.. Ang gwapo talaga. Nakasulat nga dito na married na sya pero walang nakalagay kung kanino. Bata pa pala asawa mo mahilig na sa negosyo" aniya sa akin.

Tiningnan ko ang binabasa nya. Hiniram kase iyon ni Sonia sa taas. Di ko naman napagtuunan ng pansin dahil nga sa paghahanda ko sa pagdating ng VIP.

"Pabasa nga ako" sabi ko.

"Naku .. Ang hirap ng sitwasyon mo, wala kang maalala sa love story nyo. Yuna dapat maingat ka  sa asawa mo, baka matikman ng iba sa kawalan mo ng alaala" aniya.

"H-ha anong ibig mong sabihin?" Kunot ang noong tanong ko.

"Syempre dito pa nga lang pinagkakaguluhan na sya e pano pa kaya sa company nya mismo? You should guard him, ikaw din.."

Bigla akong natigilan ng ma-realized ang punto ni Sonia.

"Subukan lang nila, hayaan mo na Sonia hanggang tingin lang ang mga yon," confident kopang sabi na ikinangisi nito.

"Palaban din si Ghorl"

Nagkakatuwaan kami ni Sonia ng makita naming lumabas ng conference room si Sir Kurt at lumapit sa amin.

"Hey ladies, magtimpla nga kayo ng kape at ayaw pa nilang mag lunch." sabi nya sa amin.

Tumayo kami agad ni Sonia. Bumalik ang kaba sa dibdib ko. Meaning papasok kami sa room? Meaning makikita ko ang asawa. Naku naman... Napansin kong makahulugan ang tingin sa akin ni Sir Kurt lalo na at nakasulyap sya sa ID tag na ikinabit ni Paolo. Wala sa loob na binaligtad ko yon.





PAOLO....

Tumaas ang kilay ko ng pumasok sa room ang isang chubby na dalaga na may dalang coffie. Gusto ko sanang lumabas para makausap ang asawa. Tutal wala namang patutunguhan ang meeting na yon. Hindi parin handa ang DMCC sa ipi-present nila. Nagsasayang lang ako ng panahon dito pero dahil narito si Yuna ay pinaglalaanan ko parin sila ng oras.

Kulang ang team ni David, di nalang ako nagkomento at baka mainis lang sya. Pero hanga naman ako sa ibang tauhan nya dahil magagaling ang mga ito.

"So kelan tayo magpi-present ng combined design kay Mr. Baltazar?" Tanong ni Brix.

"Akala ko hindi nagmamadali Si Mr. Baltazar? Alam nyong maliit na kompanya lang ang DMCC compare sa inyo. So please give us time to prepare" ani Kurt Sanchez. Si David ay tahimik lang.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang