CHAPTER - 04 ( As He Came Back )

2.1K 304 187
                                    

PAOLO ....

NAIA Airport

mabilis ang hakbang ko ng lapitan ang sasakyang naghihintay sa akin. Its been a month ng umalis ako para sa isang business trip sa japan. I missed my wife so much. Nitong nakaraan ay di na sya nagbi - video call sa akin kaya baka nagtatampo na talaga si Yuna.

Nung umalis ako ay nagalit si Yuna pero sinabi ko sa kanya na huli na yon. Makuha ko lang ang investor na yon ay titigil na muna ako sa pilipinas at magpo-focus sa kompanya ko dito. Then Brix can manage the other branches.

Panahon na siguro para magkaanak kami ng asawa. Ipinayo kase ng doktor sa akin noon na mas maige daw na wag munang magbuntis si Yuna dahil mahina pa ang katawan nito sa nangyaring aksidente noon. So i need to use protection. As much as i want a child ay mas kailangan kong tiyakin ang kalusugan ng asawa. Ang Laine's Garden ay pinaubaya na muna nito sa kaibigang si Vanessa na ngayon ay asawa na ni Rennan.

In our 4 years of Marriage, wala namang naging problema, we were happy and contented. Maliban sa paminsan-minsang pagiging pasaway ni Yuna ay wala na kaming naging mabigat na away maliban don. Yun nga lang hindi nya gusto ang palagian kong pagalis ng bansa.

Kaya nitong huli ay napagpasyahan kong tumigil na muna ng pilipinas. Depende nalang sa magiging problema ng isang construction site namin sa Japan. Naisip kong isama nalang ang babae tuwing aalis ako para di na sya mainis sa akin.

"P-paolo?--"

Napalingon ako sa tinig na tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko pagkakita kay Stephanie.

"Steph? I didn't know na uuwi ka rin dito?" Kunot ang noong tanong ko sa babae.

"Well i've decided to visit our friends so?--"

"Ah okey!" Tango kong walang ekspresyon ang mukha.

Si Stephanie ay kaklase rin namin sa collage nila Brix noon, architect graduate din ito at aksidenteng nagkita kami sa Japan dahil nagkataong Boss nya ang prospective client na hinahabol ko doon.

Pero ang alam ko ay sa Japan na ito naka-base. Mula ng umalis sya sa bansa noon matapos ko syang tanggihan sa ipinagtapat nyang pagibig sa akin ay di na ito muli pang nagpakita sa amin. Hanggang don nga sa Japan kami nagkasama sa site. Kaya nagtataka ako na uuwi din pala ito ng pinas.

"May sundo kaba?" Tanong nya.

"Yes, my driver." Sagot ko.

Gusto ko na sanang bilisan ang paglalakad dahil si Yuna talaga ang naiisip ko pagka-angat palang ng eroplano. Kaya lang ay kabastusan kung gagawin ko yon sa dalaga.

"Pwedeng pasabay? Hirap humanap ng taxi ngayon eh"

Natigilan ako sa narinig. Pero tumango din sa babae.

Nang nasa labas na kami ay tangka itong sasakay sa likod ng kotse pero pinigilan ko sya.

"Samson" tawag ko sa driver ni Yuna.

"Boss?"

"Pakihatid si Steph, kay Rennan nalang ako sasabay" sabi ko dito.

I saw Stephanie na natigilan sa sinabi ko. Pero di kona lang pinansin. Kumaway nalang ako sa babae ng mapilitan syang sumunod kay Samson sa isang kotse. Ayokong magkalapit kami ng dalaga dahil madalas gulo lang ang dala nito sa buhay ko.

Solong anak si Stephanie kaya kung ano ang gusto ay syang ipinipilit dahil sa kinasanayan. Mabuti na nga lang at medyo nag-matured na ito ngayon. But i still need to be careful. Halos pikutin na ako nito noong collage. Kaya Gusto kong pagkatapos ng project na yon sa japan ay tuluyan narin itong mawala sa landas ko. Not that i hate her, nagiingat lang ako. Isa pa baka pagselosan lang ni Yuna ang babae.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now