CHAPTER - 46 ( Handkerchief )

1.8K 288 206
                                    

PAOLO...

Napapailing nalang akong inayos ang kurbata habang pinagmamasdan ang hubad na asawa na tulog sa gitna ng kama. Hindi ko na ito ginising dahil ilang oras lang naman ako mawawala para sa meeting namin ng DMCC. Next week na ang alis namin patungong palawan.

Kinuha ko ang kumot sa paanan ng kama at itinakip sa kahubdan ni Yuna. Parang naaakit na naman ako sa asawa pero pinigilan ko ang sarili. Kakatapos lang namin pero heto na naman ako sa naiisip. Hinalikan ko nalang sya sa labi bago nagmamadaling umalis don.

Pagkadating ko sa VBC ay agad kong pinasimulan ang mahalagang meeting na yon. Kompleto na ang lahat maging si Tristan ay naroon na rin. Naging seryoso na ang usapan at ako ay natutok ang atensyon doon. Tumagal din ng dalawang oras ang meeting sa dami ng kailangan pagusapan.

Nang tila ako pinawisan ay wala sa loob na kinapa ko ang bulsa ng suot ko para kunin ang panyong regalo ni Yuna. Pero kumunot ang noo ko ng di ko yon makapa. Asan na yon? Kakagamit ko lang ay mawawala agad? Pero wala pa akong may nawalang gamit. Masinop ako sa lahat ng pagaari ko kahit nga ballpen ay hindi pa ako nakakalimot.

Shit asan na?

Nang magsitayuan na ang lahat para lumabas ay tumayo narin ako. Mabuti nalang at Namataan ko ang panyo sa lapag pero ng tangka ko na yung abutin ay nagkauntugan pa kami ni David. Sabay naming hinawakan ang panyo.

"Excuse me, nahulog ko 'to" sabi ko pero mahigpit ang kapit nya sa bagay na yon.

"Akin to Paolo," aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Akin nga ito, bingi kaba? Nahulog ito sa akin." Inis ko ng sabi pero ayaw pa rin nyang iparaya ang panyo.

Kung ibang panyo yon ay baka hinayaan kona sa kanya pero regalo yon ng asawa ko. Anong kasinungalingan ng lalaking ito para sabihing kanya yon?

"David pwede ba, akin yan kaya bitiwan mona,"

"Akin nga ito eh, ikaw ang bumitaw."

Napasukan kami nila kurt at Tristan sa ganong kalagayan na naghihilahan sa panyo. Bumalik ang mga ito sa loob ng conference room at nakita kami.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ni Tristan na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin.

"Ito kaseng uncle mo, kini-claim na kanya ang panyo na ito eh akin naman talaga."

"Akin to sabi." Galit ko ng saad.

"Ha? Pero Mr. Villanueva kay DM talaga ang panyo na yan, regalo yan sa kanya ni Yuna nung nakaraang birthday nya, naroon ako kaya sigurado akong kay David yan." Sabat ni kurt.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nabitawan ko ang panyo at saglit na natulala.

"What? Bakit ka naman reregaluhan ng asawa ko?" Matalim ang tingin na tanong ko.

He sighed saka inayos ang pagkakatupi ng panyo, lalo akong nakadama ng galit.

"Birthday ko last week, natural regalo nya. May problema ba don?------"

Bigla ko syang sinuntok sa mukha, di ko na napigilan ang galit ko ng mga sandaling yon. Mabilis na umawat sa amin sila Kurt at Tristan.

"Fuck you,"

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon