CHAPTER - 27 ( In Love )

1.9K 292 209
                                    

DAVID...

Hindi ko inaasahan na sa ikalawang meeting namin kasama si Mr. Baltazar ay makikita roon si Stephanie. Nabigla ako at alam kong maging sila Paolo ay hindi akalain na makakasama namin sa project na iyon ang dalaga.

"I hope na maging maganda ang kalalabasan ng project nyo since magkakaibigan kayong lahat." Sabi pa sa amin ni Mr. Baltazar.

Matiim kong tinitigan ang ex-girlfriend. Wala manlang akong makitang pagkailang sa babae. Her eyes focused on Paolo na malalim ang iniisip ng mga sandaling yon. Napabuntong hininga ako. I know she is after him kaya sinadya nyang makasali sa project na yon.

She is s flirt and spoild . And i wondered myself kung bakit ako umibig dito noon.

"I'm excitted sa project na to. Matagal ko nang gustong makapunta ng palawan eh" nakangiting sabi pa ni Stephanie. Tuwang-tuwa naman dito ang matanda. Tskk.. Dinaan nya sa ganda ang lalaki.

"Trabaho ang ipupunta don hindi maglamyerda" masungit namang sabi ni Paolo dito.

"Of course Pao, remember sa Japan? Work lang tayo don" aniya at humawak pa sa braso ng lalaki. So magkasama pala sila sa Japan.

"Stephanie lumayo-layo ka sakin kung gusto mong makasama kapa sa project na to" banta ni Paolo.

"Sungit mo parin Pao, but i like it!"

Tumawa pa ng malakas si Mr. Baltazar.

"Paolo kung wala ka lang asawa ay bagay sana kayo ni Stephanie." Sabi pa ni Mr. Baltazar.

"That's the point, may asawa na ako."

Nakita kong napasimangot si Stephanie.

"And his wife is here, so Steph please umayos ka, baka makita ni Yuna ang pagdikit mo kay Uncle," tila sita naman ni Tristan.

Napatitig tuloy ako sa lalaki. Kobi said na ito ang talagang karelasyon noon ni Yuna at hindi si Paolo. At nagtangka pang magtanan ang dalawa. Buti napatawad pa ito ng tiyuhin nya.

"Realy Paolo? Where is she? Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa wife mo pero masyado mo naman yatang itinatago." Si Mr. Baltazar.

"She's a gem so dapat lang itago" masungit paring sagot ni Paolo na tila walang pakialam kung sino ang kaharap namin. Tskk mayabang talaga.

Tumawa na naman si Mr. Baltazar. Tila lalong natuwa sa sinabi ni Paolo. Si Steph ay nanahimik na pero kapansin-pansin ang pagdidilim ng mukha nito.





YUNA...

NOON ko lang nakita ang babaeng yon. Pero parang pamilyar sya sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita. Stephanie Mendez. 33 years old at licensed architect din katulad nila Paolo. Pero kahit 33 na ito ay mukha paring bata. Napaka-ganda nito at matangkad. Nanliliit tuloy ako sa babae.

Nahuhuli kong pasulyap-sulyap din sya sa akin habang katapat namin syang kumakain sa VIP table na yon sa DMCC. Last meeting nila don at ang susunod ay sa Villanueva Builders na ulit.

"Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo? Ayaw moba ng luto ngayon?" Mahinang tanong ni Paolo sa akin.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now