CHAPTER - 31 ( DRUNKED )

1.7K 288 231
                                    

YUNA...

Nang marinig ko ang malakas na tawag ni Paolo mula sa taas ng silid namin ay napatakbo ako sa gulat. Nanginig ako sa kaba at ang naisip ko ay ang sinabi sa akin ni Tristan sa text. Naloko si Harry ng mga kaibigan nya at itinakbo ang perang dapat ay ipangne-negosyo ng mga ito. Kaya ako paranoid dahil anumang oras ay pwede yong malaman ng asawa. Nagkataon lang na may mga bisita ako at di ko naman sila pwedeng pabayaan.

Nasa bahay nila si Tristan at kasalukuyang kinakausap si Harry. Sabi nya pupunta daw sya dito para kausapin ako pero anong oras na?

Kaya ng sumigaw nga si Paolo ay halos magkandarapa ako sa pagakyat. But to my surprise ay nasa silid namin si Joyce at si Paolo ay naka roba lang na bagong ligo pa.

"Bakit hinahayaan mong pakalat -kalat ang mga bisita mo? Nakapasok sya dito" He said furiously.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko tungkol na kay Harry, pinagiisipan kopa naman kung paano ipapaliwanag sa asawa ang tungkol don in case na malaman nya.

Pero teka paano nakapasok sa silid namin si Joyce? Medyo na-praning ako don. Hinila ko nalang ang dalaga para umalis don. Wala talagang pinipili ang lalaki. Kahit bisita ko sinisigawan. Nagutla pa ako ng isara nya ng malakas ang pinto.

Medyo napahiya tuloy ako sa kasama.

"J-joyce pasensya kana, ganon lang talaga yon, pero wag mo nalang pansinin." Sabi ko sa akay na kaibigan.

"O-okey lang, im sorry. Nalito ako sa room" tila nauutal nyang paliwanag.

Nalito? Ang layo ng guest room sa kwarto namin. Magkaibang direksyon pa. Pero dahil may iba akong iniisip ay di ko nalang binigyang pansin pa yon. Bumalik nalang kami sa pool at muling naginuman. Lasing na sila Elona at Kira kaya natatawa ako sa dalawang makulit. Ako man ay gusto kong malasing sa aking kinakaharap na problema. Pansamantala ko munang kinalimutan yon at nag-enjoy sa aming bonding ..

Ilang sandali pa ay lango na ang dalawa sa alak. Napilitan kami ni Joyce na ihatid na sa guest room ang dalawa. Pagkatapos non, akala ko tutulog na si Joyce tutal magaalas dose na pero bumalik pa sya sa pool kaya sinamahan ko nalang sya. Matino pa naman kami kahit medyo hilo na ako.

"Kaya mo bang magpakalasing ngayong gabi Yuna?" Mabuway nang tanong nito. Mapula na ang mata ni Joyce tanda ng kalasingan pero ako pa ba ang hahamunin nya? Ganitong may problema ako ay hindi ko sya aatrasan.

"Matira matibay Joyce,"

Tumawa ng pagak ang babae. Ewan ko pero parang ang talim ng tawang iyon.

"Sige.." Tango nya.

"Wait, maraming alak ang asawa ko, gusto mo yun ang tikman natin?" Mungkahi ko pa sa babae.

Tumango ulit ito saka ako pumasok sa loob at dumeretso sa counter kung saan naroon ang ibat-ibang alak na collection ng asawa. Umakyat ako don at kumuha ng isa. Bigla akong nahilo ng maabot yon. Then some scene flashed in my drunked mind. Nasapo ko ang ulo habang nakatingin sa bote ng mamahaling alak na may kakaibang pangalan. Nangyari na ba to? Parang biglang may alaalang gustong sumiksik sa utak ko sa pagkakatitig kong yon sa hawak na bote ng alak.

Pero saglit lang yon. Bumaba narin ako at bumalik kay Joyce na noon ay nakalusong na sa tubig at nasa gilid ng pool.

"Eto na.." Nakangiti kong sabi saka masayang binuksan ang dala at sinalinan si Joyce sa kopita.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now