CHAPTER - 49 ( Palawan Here I Come! )

1.7K 304 230
                                    

YUNA...

Tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa akin at nabatid kong madilim na sa labas ng mga oras na yon. Kunot ang noong sinagot ko ang tawag.

"Hello."

"Yuna? " si Tristan.

"B-bakit?" Nagaalangan kong tanong.

"Uncle knew it, bistado na nya ang ginawa mo, pero di kami umamin na kasabwat mo kami, i dont know kung naniniwala sya, but i tell you, yari ka.. Galingan mo nalang ang pagarte para dika pagalitan."

"H-ha? Wait----"

"Maya nalang tayo magusap at baka mahuli kapa ni uncle. Bye."

"Wait Tristan---!"

Nanlupaypay ako sa pagkawala nya sa linya. Bigla akong kinabahan. Shit lang talaga. Bakit ako pumayag sa suggestion ni Tristan tapos sa huli ako lang ang makakastigo ng tiyuhin nya. Ano ba namang ang mga pamangkin ni Paolo? Para akong mauutot sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Babangon na ba ako o magtutulog-tulugan nalang? Pero bukas na ang alis nila patungong palawan. I can't stand here without doing anything.

Napapitlag pa ako ng bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang seryosong asawa.

"Buti naman gising kana-----"

Bago pa ito makadakdak ay inunahan kona nang malakas na pagiyak. Yun lang ang naisip ko para makawala sa interogasyon na mangyayari.

Pero dahil sa kaba ay diko mahagilap ang luha ko. Ilang saglit nya akong pinagmasdan habang nakahalukipkip na nakatunghay sa akin.

"Use this, para magkaluha ka!" He said sabay abot sakin ng vicks na ikinalaki ng mga mata ko.

Napamaang ako sa kanya. Bigla akong tumigil sa kangangawa. Shit lang talaga! Kaya hindi ako pumasang artista eh. Di ako magaling mag-drama.

"P-paolo.. Anong sinasabi mo?" Sinubukan ko pang mag-deny.

"Pinagalala mo lang ako sa wala, bakit mo naisipang gawin yon ha? Yuna hindi gawain ng matinong tao yang ginagawa mo? Pati vicks ipapahid mo sa mata?" May inis na saad ni Paolo.

Bigla akong tumayo sa kama at yumakap sa asawa.

"Paolo gusto ko lang sumama sa palawan, Please sige na naman..ayokong maiwan dito--"

"Ilang ulit kobang sasabihin sayo na di ka pwede don? Masyadong delikado ang site don. Mangangapa pa ang mga tao ko don. Dumito ka lang at magrelax."

"Hindi ako makakapag-relax kung wala ka naman, Paolo mami-miss kase kita eh."

Bahagya syang natigilan sa narinig. Akala ko pagasa na.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )On viuen les histories. Descobreix ara