CHAPTER - 29 ( Lost Memories )

1.8K 282 206
                                    

YUNA....

Iniinis talaga ako ni Stephanie. Nang ma-locked ang pinto ng conference room ay wala ng lumabas kaya hindi na ako nakapasok, nangalay nalang ako't lahat ay wala pa rin. Nang bahagya akong sumilip ay nakita kong nagsisimula na ang meeting nila.

Tskk.. Inis na inis ako. Naisip ko nalang na bumaba para bumili muna ng maiinom at ng hindi ako mainip kahihintay. Bumalik akong may sinisipsip nang straw ng gatas na nasa kahon. Sumilip ako saglit saka naisip kong i-text si Paolo.

Paolo andito na ako sa labas, may nag-locked ng pinto. Yun ang sent ko.

Kaya lang mukhang busy si Paolo dahil ng tingnan ko sya ay di naman nya hawak ang cp nya. Kainis.. Huminga ako ng malalim.. Then naalala ko si Greg kaya sya naman ang tinext ko. Pati si Tristan tinext ko narin. Pero mga walang paki ang mga ito. Asan ba ang mga cp nila? Haysss....

Nang di na ako makatiis ay kumatok na ako ng tuluyan. Isang babae ang nagbukas non at nanlaki ang mga mata nya ng makita ako. Kay Paolo agad naglanding ang inis kong tingin. Wala akong pakialam sa mga mata ng ibang tao doon. Kahit may mga bagong mukha akong nakita na noon lang nakasama sa meeting na yon.

"S-sweetheart.." Napatayo si Paolo at saka sumalubong sa akin.

"Kanina pa ako nagtext sayo ah" nakasimangot kong sabi habang iginigiya nya ako sa pwesto nya.

"Strictly no cp dito kapag may meeting kaya di ko napansin ang text mo, akala ko mamaya kapa" paliwanag naman ng asawa. Umirap lang ako sa kanya. Pati si Stephanie ay gusto kong irapan ng mga sandaling yon.

Ipinakilala ako ni Paolo sa lahat dahil may ilang noon ko lang nakita. Naroon din sila Sir David at Sir Kurt. Natuwa ako ng makita si Sonia. Kumaway pa ako sa kaibigan. Nasa dulo kase ako sa tabi ng upuan ni Paolo. Tahimik lang akong naupo don habang iniinom ang aking milk box. Si Greg ay nasa kabilang side ni Paolo. Then magkakasunod na sila Tristan, Brix, Charls, dalawang abogado ng kompanya. Sa kabila naman ay si Stephanie, Mr. Baltazar, Sir David, Sir Kurt, Sonia, attorney ng DMCC. At apat pang mga matataas na tao sa Villanueva Builders.

Muling nagsimula ang discussion, habang nagpapalitan kami ng makahulugang mga tingin ni Stephanie. At lantaran na ang pangiirap nito, naku nangaaway na ang maldita. Pero chill lang ako sa tabi ni Paolo. Pinilit kong makinig at intindihin ang pinaguusapan nila pero wala talaga akong maunawaan kundi gagawa sila ng building. Unti-unti akong na-boring sa meeting na yon pero di ako nagpahalata. Baka mapagalitan ako ni Paolo dahil sinabihan na ako nitong wag nang pumunta. Tskk so kunwari intresado ako sa usapan.

Ang galing lang dahil kapag si Paolo na ang nagsasalita parang lahat intresadong makinig sa kanya. Nakita ko ang respeto at paggalang nila sa asawa ko. Matalino talaga ito at sa pagpapaliwanag palang tinatanguan na sya. Gusto ko tuloy pumalakpak tuwing magsasalita sya.

"Hikkk...hikk.." Namula ako sa pagkapahiya ng bigla akong mapadighay habang nagsasalita ang asawa.

Napabaling sa akin ang pansin ng mga tao don. Si Paolo ay napailing lang sa akin.

"S-sorry!!" Nahihiya kong sabi. Pasimple kong ibinalibag ang basura ng iniinom ko sa nakitang trash bin sa tabi. Three points yon. Galing ko talaga.

"I told you mabo-boring ka lang. Don ka nalang kaya sa office ko" mahinang bulong sa akin ni Paolo ng matapos ang discussion nila at maging busy na ang lahat sa mga folder na nasa harap.

"Gusto ko dito, ayoko don wala ka naman don eh" pinalambing ko pa ang tinig ko ng makita sa gilid ng mata na nakamasid si Stephanie.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now