CHAPTER - 39 ( My Snow )

1.8K 289 254
                                    

YUNA...

Ang pinapangarap kong snow sa Japan ay di na natuloy. Malamig lang ang klima sa tokyo pero isang araw lang nagpakita ang snow at dina nasundan. Sabi ni Greg sa ibang lugar daw ang snow fall, kaya lang bigla akong nilagnat pagkatapos ng press con na yon kaya nagkulong lang kami sa suite. So ang ending si Greg lang talaga ang nag-enjoy sa bakasyon na yon.

"Paolo magaling na naman ako, baka pwedeng sumunod tayo kay Greg." Pakiusap ko sa asawa.

Dalawang araw nang nasa galaan ang P.A. nito at ang nakakainis ay nakita ko sa social media na inuulanan sya ng snow kung saan man sya naroon. Nag- live pa talaga ang lalaki na parang nangiinggit.

"No, dito lang tayo hanggang makauwi ng pilipinas, sabi ko na nga ba hindi pa kaya ng katawan mo ang ganitong klima eh, tskk.. Dapat kumonsulta muna ako kay Dr. Silva.." Aniya na tila sinisisi ang sarili.

"Ano ba Paolo, sinat lang naman to eh,"

"Yuna next time nalang okey. Hindi maganda ang kondisyon mo ngayon,"

Napatingin nalang ako sa bintana. Goodbye snow talaga. Bad trip bakit ngayon pa ako nagkasakit? Napilitan tuloy akong mag-stay nalang. Kakainggit talaga si Greg.

"Marami pang next time Yuna, kaya palusugin mo ang katawan mo, para makaya ang winter kung talagang gusto mo ng snow,"

Napalingon ako sa asawa. Nakaupo ito sa couch na naroon sa bedroom at nagbabasa ng kanyang notepad. Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang post ni Greg na kasalukuyang naka live sa gitna ng snow.

"Pauwiin mo na sya, dapat pareho lang kaming kulong sa suite." Sabi ko sa asawang nakakunot ang noo.

"Hayaan mo na sya, ngayon lang yan, pag balik ng pinas trabaho na ulit yan." Sabi nito saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Napapalatak ako sa inggit. So hanggang terrace lang ako? Sayang talaga. Magaling na naman ako eh, siguro nabigla lang yung katawan ko sa klima.
Nakakahinayang tuloy.

Pero okey lang, inulan na naman ako nung pagkadating, may picture na naman ako don. Bukas lalabas ang magazine nang YLV Jewels. Naku magdadala ako ng marami. Napalingon ako sa mga magazine na nasa table. Yun ang ilan sa mga business magazine kung saan may kuha ng nangyaring press con. At kami ni Paolo ang nasa head line. Limang publishing din yun. Sa pinas kaya ilan? Bibilhin ko din yon basta may mukha ko.

"Yuna come here, malamig dyan baka bumalik na naman ang lagnat mo!" Tawag ng asawa.

Sumunod naman ako, sobrang lamig naman talaga eh dahil sa nagdaang snow sa tokyo. Makapal na ternong pajama ang suot ko at may socks pa para iwas lamig.

Hindi ako pwedeng lagnatin ulit, last day namin bukas at sabi ni Paolo magsa-shopping kami pag okey na ako. Baka pati yon mabulilyaso pag nilagnat ako ulit. Hmmm..

Lumapit ako sa asawang nakaupo na ngayon at seryoso ang mukha sa kaharap na laptop.  suot nito ay pajama at sando saka makapal na roba na pakiramdam ko ang bigat sa katawan. Bahagyang namumula ang pisngi nito at labi dahil marahil sa lamig. Sana all namumula ang balat at labi. Kase yun sakin namumutla lang hahaha..

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin