CHAPTER - 15 ( Help Me To Remember )

1.9K 292 220
                                    

YUNA...

Ano kayang ginagawa ng asawang si Paolo sa silid na yon na nasa dulo ng bahay? Kanina pa kase sya don, dumeretso sya pagkababa ng kotse. Na-curious ako kaya lumapit ako sa pinto non at idinikit ang tenga. Napa-atras ako dahil tila may mga lagabugan don na naramdaman ko.

Nagwawala ba si Paolo? Dahil ba sa akin? Haysss diko maintindihan ang lalaki. Bumalik nalang ako sa kwarto namin at naisip na magbabad sa bath tub. Na-excite ako. First time kong ita-try yon. Bahala si Paolo, wala naman dahilan para magalit sya. Pamangkin nya si Tristan at asawa kona sya. Isa pa parang di na ganon kalalim yung feelings ko sa binata. Siguro dahil sa kaalamang may asawa na ako.

Ewan ko pero yun ang na-realize ko habang kausap ko ang binata. Ang gusto ko nalang gawin ay alalahanin si Paolo, nahihirapan ako sa sitwasyon. Yung mahal ko daw ang isang tao pero diko naman maalala. Sabi ni Vanessa i-feel ko daw. Paano ko ipi-feel eh daig pa ang tigre ng isang yon kung magalit.

Kinuha ko ang cp at binuhay ang music don.Teka paano ba ito? Pinabula ko ang tubig sa liguan at nasiyahan ako sa bango ng bubble bath soap. Inalis ko ang towel saka lumusong sa maligamgam na tubig. Ay ang sarap pala talaga nito. Napapanood ko lang ito noon tapos ngayon nagagawa kona.

Think about it. Para akong nabubuhay sa isang panaginip. Para akong si cinderella na ikinasal sa isang prince charming na mayaman. Mali-- sa ugali ni Paolo parang beauty and the beast ang labas ko non, galit na galit lagi eh. Napahagikgik ako ng mahina.

Then i suddenly frozen ng bigla ay mag-play ang isang kanta mula sa cp ko. Ang WHEN YOU LOVE SOMEONE ni Bryan Adams. May kung anong alaala ang bumalik sa akin. Sa pool sa bahay na yon. Kami ni Paolo naghahalikan. Napasapo ako ng ulo sa biglang pagkirot non.

I close my eyes. At isa na namang gunita ang lumitaw sa aking balintataw. Ako at si Paolo sa gitna ng bath tub na yon. Pareho kaming hubad at------ shit!! Napamulat ako ng mata. Saan galing yon? Nag-sex naba kami dito? Hala ano yun scandal? Naipilig ko ang ulo. Alam kong pulang-pula ang mukha ko ng mga sandaling yon. Una sa pool tapos ngayon sa bath tub.

Bigla ay may naramdaman akong kung anong init sa aking katawan. Init dahil sa mga alaalang yon. Nawalan tuloy ako ng ganang magbabad. Umahon ako at nagbanlaw agad sa tapat ng shower. Naalala kong nakalimutan ko palang magdala ng bihisan. Iniwan mo na muna ang cp don.

Ibinalot ko nalang ng towel ang katawan ko at bahagyang sumilip sa labas ng Banyo. Wala si Paolo kaya kampante akong lumabas at dumeretso sa wardrobe ko. Pero napatili ako ng maabutan doon ang asawa.

"P-paolo? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong.

Nakatungo sya sa jewelries ko at sobrang dilim lalo ng mukha. Naniningkit ang mata nya ng mag-angat ng tingin sa akin. Nagulat pa ako ng haklitin nya sa braso. Muntik nang malaglag ang towel sa katawan ko, mabuti nalang at nahawakan ko yon ng isang kamay.

"Bakit di mo sinusuot ang wedding ring natin ha?" Galit na tanong ni Paolo habang hawak sa kamay ang kwintas ko kung saan naroon ang wedding ring at engagement ring ko. Naalala kong inalis ko nga pala yon bago ako naligo. Nakalimutan kong isuot ng pauwi ako dahil sa pagkataranta sa pagtawag ni Tristan.

"P-paolo tinanggal ko lang kase maliligo ako" bigla kong naisip idahilan.

Buti nalang mukang naniwala sya. Pero madilim parin ang awra nya ng bitiwan ako.

"Wag mo akong pinipikon Yuna, asawa mo ako kahit di mo ako maalala hindi na magbabago yon. Wag kang gagawa ng ikagagalit ko kung ayaw mong ipaalala ko sayo kung paano ako magalit"

Nakadama ako ng takot sa galit na nakikita sa mukha ng asawa. Parang di ko yata kayang ganon sya sa akin. Gusto kong umiyak dahil sa inis sa sarili. Iuntog ko nalang kaya ang ulo ko sa pader at baka maalala ko sya.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now