CHAPTER - 7 ( His Wife )

2.2K 287 182
                                    

YUNA....

Sobrang laki talaga ng mansyon na yon na pagaari ni Paolo Villanueva, di ko manlang maalala na don ako nakatira, Ni sa panaginip ay di ko naisip ang tumira sa ganoong kaganda at kalaking bahay. Pati lamesa sa dinning area ay nakakamangha sa haba knowing na dalawa lang kaming magkasabay na kumakain ngayon.

Ang mga naroong katulong ay mukang ka-close ko nung wala pa akong amnesia. Nahuhuli ko ang mga ngiti nila sa akin. Ginaganti ko din yon ng ngiti. Tahimik kami ni Paolo habang kumakain. Napapansin kong parang madalas ang pagkunot ng noo ng lalaki na tila may naiisip na ikinaiirita nito na diko maintindihan.

Gusto kong makilala ang sinasabi nilang asawa ko. Gusto kong matandaan kung ano ba ang ugali nito? Mga hobbies nya at kung ano-ano pang maliliit na bagay about kay Paolo, baka kase pag nalaman ko yon ay mas madali ko syang maalala, ayoko naman na ma-stock sa ganong sitwasyon.

Kaya ng magkaroon ako ng pagkakataon ay lihim akong nakipagkwentuhan sa mga maid don.

"Ako si Lutchi maam, ang pinakamatagal na kasambahay dito, nasabi na samin ni Sir ang kondisyon nyo kaya naiintidihan namin kung di nyo kami maalala," sabi ng isang maid na mukang masayahin.

"Pasensya na kayo, di ko kase tanda pati nga si Paolo eh, ahmmm.. Pwedeng magtanong?"
Simula ko.

Patingin-tingin ako sa likuran at baka nandoon na ang lalaki ng diko namamalayan.

"S-sige po, ano po ba yun?"

"Asawa ko ba talaga si Paolo? I mean sa tingin mo mahal ko yun nang pakasalan ko---haysss nakakahiya.. Curious lang ako" sabi ko. Alam kong ang weird non na pati sa katulong ay nagtatanong ako ng ganong bagay.

"Maam di naman kayo magpapakasal kung hindi, sya nalang po tanungin nyo maam kase alam lahat ni Sir ng tungkol sayo"

Napansin kong tila naiilang ang maid kaya naisip kong wag nalang sa kanila ako magtanong. Naglibot-libot ako sa paligid at ng lumabas ako ng bahay ay nakita ko ang ilang mga lalaki don na tila mga nakabantay sa palibot ng mansyon.

Ano bang trabaho ng asawa ko? Bakit parang ang OA naman yata ng mga bantay don. Nakita kopa ang dalawa sa mga lalaki na syang kumidnap sa akin sa cavite. Isang gwapong lalaki ang lumapit sa akin mula sa mga yon.

"Hi Maam, I'm Rennan, natatandaan nyo po ba ako?" Tanong nya sa akin.

"Ha? Sorry pero sino kaba?"

Ngumiti ang lalaki sa akin. Pero wala talaga akong maalalang kilala ko ito.

"Personal bodyguard nyo ako, siya naman si Samson driver nyo" turo nya sa lalaking naroon sa may gate. Para namang bouncer sa club ang katawan nong Samson at may tattoo pa sa mga braso. Medyo nakakatakot ang hitsura nya.

"Ahhh--" sabi ko nalang.

"I hope na tanda mo si Vanessa--"

Sa narinig ay napatingin ako sa mukha ng lalaki. Of course tanda ko ang bestie ko. Teka asan na ba ang babaeng yon.

"Yes, she's my bestfriend, kilala mo rin sya?" Na-excite kong tanong.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now