CHAPTER - 44 ( Party After )

1.8K 284 237
                                    

STEPH...

Nainis ako ng sabihin ng security guard ng VBC na maaga daw umuwi si Paolo kasama si Greg. I look at my gift to him. Nahuli pala ako ng dating. Balak kong akitin ito sa isang dinner, wala akong pakialam kung may asawa na ito basta maipakita ko sa kanya ang importansya nya sa akin. But Kurt texted me na nasa bahay daw sila ni Paolo at may party daw na inihanda si Yuna para sa lalaki. Nairita na naman ako.

Feeling wife talaga ang loka eh may amnesia na nga sya. Kailan ba mawawala sa buhay ni Paolo ang asawa nya?

Sumakay ako ng kotse at tinahak ang daan patungo sa mansyon ni Paolo. I smirked... Iniimbitahan ko na ang sarili ko. Hahaha... Sorry ka nalang Yuna pero hindi ako titigil hanggat di napapasa- akin ang asawa mo.

Pagdating ko don ay agad naman akong pinapasok ng guard. Halata ngang may okasyon dahil sa daming naka-park na kotse sa labas. Sinamahan ako ng isang maid papunta sa likod bahay kung nasaan ang party. So dito nagrereyna-reynahan ang bruhang si Yuna? I-enjoy na nya habang di pa ako kumikilos. Sa plano ko ay tiyak na kakaladkarin sya palabas ng asawa nya.. Napangisi ako..

"Maam may bisita pong dumating!" Sabi ng maid kay Yuna na kasalukuyang bangag na habang hawak ang cordless mic.

Napataas ang kilay ko sa party na yon. So baduy... Pekeng ngiti ang ibinigay ko sa babae. Alam kong peke din ang ngiti nya. Nahuli ko syang natigilan pagkakita sa akin. Pero bait-baitan ang lola mo.

"Halika Steph, kumain kana.." Sabi ni Yuna. I smirked saka balewalang nilampasan sya.

Mukang nasa kalagitnaan na ang party. Hinanap ko si Paolo at nakita ko itong kaumpukan ang mga kaibigan nya. I even saw DM and Kurt with them. Lumapit ako sa mga ito at binati ang lalaki.

"Happy birthday Paolo." I greet saka akmang hahalikan sya sa pisngi pero umepal ang katabi nitong si Charls.

"Bati lang walang kiss, ako nalang ang halikan mo kung gusto mo" ngisi ng binata na tinakpan ang pisngi ni Paolo. Napairap ako sa lalaki. Mga galamay ni Yuna. Tskk..

"Thanks, Kumain kana don Steph." Sabi ni Paolo na halatang nagtaka kung bakit ako naroon. Naramdaman ko nalang na nasa likod kona si Yuna.

"Ito nga pala ang gift ko sayo" abot ko ng paper bag kay Paolo but his wife took it.

"Ako na ang maglalagay nyan gift mo Steph, kita mong nagiinom sila eh. Halika na kumain kana" sabi ni Yuna.

Ako lang yata ang nakarinig ng sarkastiko sa tinig ng babae. Tinimpi ko ang sarili. I sighed bago napilitang sumunod dito. Lalo akong nainis ng basta nalang nito isinama sa ibang nakabunton na gift ang dala kong regalo. Nakakairita talaga.

Pinilit kong kumain kahit ayoko naman. Patingin-tingin ako sa umpukan nila Paolo. Nagkakaingay ang mga pamangkin niya at halos lahat ay umiinom ng alak. Si Yuna ay lasing na rin at walang ginawa kundi kumanta. Nakakabingi na ang boses nito. Ang masama pa ay todo pa-cute kay Paolo. Papansin din...







YUNA...

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang Stephanie na to at nakapunta pa talaga sa party ni Paolo. Hindi ko natatandaang inimbita ko sya. At talagang nakahabol pa. Kanina kitang-kita ko na hahalikan nya sa pisngi ang asawa ko, buti nalang nasangga ni Charls, gusto ko na itong kaladkarin kanina pero marami pang bisita. Nakakahiya kung ako pa ang sisira sa birthday party ni Paolo.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now