CHAPTER - 33 ( Love-Quarel )

1.8K 287 237
                                    

YUNA...

Naibuga ko ang iniinom na kape sa asawa dahil sa walang habas na salita nito. Napatayo si Joyce sa pagkabigla. Si Tristan ay napailing lang sa kanyang tiyuhin. Sila Kira at Elona ay nakanganga sa di inakalang maririnig.

Totoo ba yun? CPR kaya ang ginawa ni Tristan. Yun ang nakita ko.

"B-bakit ko naman hahalikan yan?" Reaksyon ni Joyce na nakatutok ang tingin sa asawa ko.

"Ah Joyce--naku baka nagkamali lang ng tingin si Paolo, sinagip ka kase ni Tristan kagabi sa pool at binigyan ka nya ng CPR. baka yun ang nakita nya." Mabilis kong paliwanag sa babaeng tila natuklaw ng ahas. Si Paolo naman kase eh.

"Anong alam mo Yuna eh plakda kana kagabi?" Hirit pa ng asawa ko na pinupunasan ang leeg nyang basa ng kape na ibinuga ko.

Masasatik ko na ang Paolo na ito. Kahit sa harap ng pagkain ay napaka-ulaga.

"CPR nga eh, diba Tristan?" Diin kong binalingan ang nasa kabilang binata.

Kibit- balikat lang ang lalaki. Isa pa ito eh. Manang-mana sa tiyuhin nya. Kinurot ko ng lihim sa braso si Tristan.

"Aray---! Holly shit Yuna.." Napatayo si Tristan sa ginawa ko.

Pero inirapan ko lang sya saka binalingan ang dalagang si Joyce.

"CPR lang yun Joyce, don't worry.." Nakangiti kong sabi dito. Nakahinga sya ng maluwag pero ganon nalang ang panggigilalas ko ng muling bumwelta ang asawa ko.

"Yeah CPR. While on top of his lap---"

Si Paolo naman ang kinurot ko sa  hita na ikinadaing din nito. Napaka.....talaga.

Yan tuloy natulala si Joyce. Habang sinamahan ko silang maggayak ng gamit nila pagalis ay sobrang tahimik ng dalaga. Sila Kira at Elona ay nakikiramdam lang. Si Samson ang maghahatid sa kanila pabalik ng cavite.

"Y-yuna totoo ba yung sinabi ng asawa mo?" Mahinang tanong ni Joyce na para bang biglang nanamlay.

"A-ang totoo di ko alam, lasing na lasing ako at paggising ko natutulog na ako sa kama namin" sagot ko sa kanya.

Gusto ko man syang komprontahin sa mga sinabi nya kagabi ay naisip kong wag nalang. Masungit man ito ay sinasabi ko nalang sa sarili na nagmahal lang sya. Isa pa kung pagaawayan namin ang katotohanang yon ay ano ang silbi? Hindi ko mapipigilan ang sino man na magkagusto sa asawa ko. Ang dapat ko lang gawin ay magbantay at maging listo.

"W-wala kang natatandaan sa pinagusapan natin kagabi?" Pananantiya pa nya.

"O-oo eh" pagsisinungaling ko.

Nagisip ito saglit bago itinuloy ang ginagawa.

"Kung totoo man yon na nakipaghalikan ka kay Tristan, wag kang magalala, binata yon at walang gf. May bahay at disenteng trabaho. Buhay reyna ka rin don" pangtataboy ko sa babae.

Si Tristan nalang ang kanya. Choosy pa sya ang gwapo na nga non. Napangisi ako... Balak kong i-match ang dalawa para mabawasan ang linta na nagbabantang dumikit sa asawa ko. 26 na naman si Tristan at pwede na itong magasawa.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now