CHAPTER - 36 ( His World )

1.8K 296 222
                                    

PAOLO....

"Sir tumawag si Samson, nakaalis na daw po si Maam sa Bahay."

Napa-angat ang mukha ko kay Greg mula sa binabasang papeles.

"Okey, pakikuha ng report sa baba, para ma-review kona" utos ko sa lalaki.

Nang makaalis ito ay kinuha ko ang phone sa bulsa at tinawagan si Samson.

"Boss alas siete kami dumating dito. Gaya ng bilin nyo hihintayin ko si Maam hanggang matapos ang party." He reported.

"Good, update mo ako kapag pauwi na kayo,"

"O-opo Sir."

Nang dumating si Greg dala ang folder ay tila nagatubili ito na parang may nais sabihin.

"What is it Greg?" Kunot ang noo kong tanong.

"Sir may dumating na naman po kaseng envitation mula sa DMCCTinatanong po nila kung makakarating kayo."

"Anong sagot mo?" Balewalang tanong ko.

"Sabi kopo busy kayo" he answered hesitantly.

"Yun naman pala eh, ano pa?"

"Malapit na rin po pala ang 2017 interview nyo sa isang business magazine. They asking me if you are willing to be their cover again."

Natigilan ako sa narinig. Ayan na naman ang interview na yan. Di ko gusto ang maging cover ng magazine na yon but Greg said na malaki ang maiitulong non sa pagsikat ng kompanya kaya pumayag ako non. Kaya lang naging taon-taon naman yata. Nakaka-bwisit humarap sa camera.

"Pakisabi humanap nalang ng iba. Wala akong time magpa-interview." Sabi ko but i suddenly think of Yuna kaya agad kong binawi ang sinabi.

"Wait Greg.. Pakisabi sa kanila payag ako pero dito nalang gawin ang interview at kasama ang asawa ko."

"H-ho? Hindi ko lang po alam kung pati wife---"

"Kung hindi pwede then cancell it. "

"O-okey Sir."

Ilang sandali ay tapos na ang ginagawa ko kaya tumayo na ako at naggayak.

"Mauna na ako Greg. Where's my envitation sa DMCC?" I asked.

"Akala kopo di kayo pupunta?" Takang tanong nya.

"Naroon ang asawa ko, susunduin ko lang."

Alas nueve ymedia na ako nakarating sa cavite. Sa hotel na pinagdarausan ng party. Natanaw kopa si Samson sa labas ng sasakyan na nakasandal habang nagyoyosi. Hindi ko na sya pinansin at diretso sa loob ng bulwagan. Agad hinanap ng mata ko si Yuna. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga naroroon sa akin. I search my wife. At nang makita ko si Yuna ay katabi ito ni David na kumakain habang nagtatawanan silang dalawa.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now