CHAPTER - 21 ( Why He's Like That? )

1.8K 282 186
                                    

DAVID...

Kinabukasan, di ko inaasahang makikita pang pumasok si Yuna, akala ko di na sya babalik matapos ng usap namin ni Paolo kahapon. But i'm glad that she still here. Itinatanggi man ng puso ko pero masaya ako dahil nakakasama kopa si Yuna.

Di parin ako makapaniwala sa nalaman ko kahapon kay Paolo. Na May amnesia ang asawa nya. Kaya pala ganon, weird ang babae unang kita palang namin ni Kurt dito.

Naramdaman ko ang pagkailang sa akin ni Yuna pero hinayaan ko nalang. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa babae. Gusto ko muna syang iwasan. Pero di ko naman kayang di ito makita.

Nang maguwian na ay diko inaasahang kakausapin ako ng babae.

"S-sir gusto ko po sanang magpaliwanag ng ayos tungkol sa nangyari sa Villanueva Builders" naiilang nyang sabi.

"Sit down"

Naupo naman sya at tila nahihiyang patingin-tingin sa akin. Lalo akong naaakit sa babaeng ito sa ikinikilos nya. Yung mukang inosente na walang alam sa mundo. Yung tipo nito ang masarap alagaan at protektahan. Kaya lang nauna na ang gagong Paolo na yon.

At kaya marahil ganon ang kilos ni Yuna ay dahil sa kondisyon nito. Buti nalang konti lang ang nakalimutan nya. Mas nakakaawa ito kung buong pagkatao nya ang makalimutan.

"S-sir David, noon kopa kase sana gustong sabihin na may asawa na ako kaya lang di ako makatiyempo. Isa pa po akala ko noon ay dalaga pa ako kaya yon ang pakilala ko sa inyo. May amnesia daw po kase ako" paliwanag nya.

"I already knew that Yuna, and i understand now, dont worry about me, "

"Hays salamat naman po at di kayo galit."

Ngumiti ako sa kanya. Maya-maya ay naisip kong magtanong.

"Paano ka nakakasiguro na asawa ka nga ni Paolo?"

"H-ho?"

Natigilan din ako sa tanong kong yon, gusto kong sapakin ang sarili. Of course she is realy his wife. Ako lang talaga itong tanga na di matanggap yon.

" Sa totoo lang sir di ko nga po alam kung paano sya naging asawa, kase non iba ang gusto ko eh, si Tristan. Tapos bigla ko nalang syang naging asawa. Nakakatawa po diba?"

Natigilan na naman ako sa nalamang iyon. Si Tristan? Si Tristan ang gusto ni Yuna? Pero bakit kay Paolo sya napakasal. Bigla ay parang gusto kong alamin ang nakaraan ng dalawa.

"Hindi mo naman sya magiging asawa kung di mo sya mahal" pananantiya ko pa sa babae. Kahit papano ay natutuwa ako dahil pinagkakatiwalaan ako ni Yuna bilang kaibigan nya.

"Sabagay Sir. Sabi nila sa akin mahal na mahal ko daw yun eh diko lang maalala"

Ouch! Mahal na mahal talaga? Nananadya ba si Yuna? May ideya naba sya about my feeling towards her o di pa rin nito iyon alam.

"Y-yuna--you know that i like you right?" Tanong kopa sa kanya. I just want to know kung may idea sya doon.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now