CHAPTER - 02 ( Job Offer )

2.5K 326 223
                                    

YUNA...

Sumapit ang araw ng lunes. Dala ang aking resume ay pumunta ako sa DMCC. Buti nalang Hirring.. Binigyan lang ako ng visitors passed at itinuro sa akin kung saan pupunta. Medyo kinakabahan ako dahil wala naman akong alam sa ina -applyan na yon, resume lang ang tanging dala ko na ipinasadya kopa kahapon.

Nakita ako ang ilang mga tao don na nakaupo sa mahabang bench. Mga naka-formal clothes sila. Buti nakahiram ako kay Kira. Medyo nailang ako sa hitsura ng mga maga-apply. Mga halatang profesional at matataas ang pinagaralan. Pero di bale.. May factor din ang hitsura. Aba ako ang pinaka-maganda doon no?

Lihim akong nagmasid sa paligid. Ang laki ng ipinagbago non. Saulado ko ang buong lugar na yon nong A&A pa ito. Ngayon ay ibang-iba na. Sobrang ganda at ang lamig-lamig. Free wifi pa. Sayang wala akong cp. Pangtanggal inip din.

Dahil nag-announce na alas nueve pa ang simula ng interview ay hinayaan muna kami doon. Medyo nakakailang ang mga kasamahang aplikante. Ni walang friendly sa kanila. May isa akong nginitian pero sinimangutan lang ako ni Ate Gurl.. Ganda ka???

Ang ibang mga lalaking aplikante naman ay di din makausap. Tila kabado sila na may nire-review. Naksss.. Iba talaga ang may tinapos. Tatalino.. Mga english fluent ang salita.

"Mahigpit daw ang boss dito, lalo na sa interview. Pure english talaga at bawal ma-rattle. Kinakabahan tuloy ako"

Narinig kong sabi ng isang lalaki sa kaibigan yata nito na kasama. Dyusko kinabahan naman ako sa narinig. Di ako fluent mag english pero sanay ako sa mga interview. Hello pageant Queen ako? Sanay ako sa mga biglaang tanong. Ang problema lang ay di naman yon pageant. Tsskk..

Pero teka lang, diba kaya lang ako naroon ay para makakalap ng balita about sa dati naming company? So bakit ako mage-effort. Kailangan kong magmasid sa paligid. Wala naman sigurong masama,. Kami nga noon nila Vanessa nakakapunta kahit saan dito. Kaya marahan akong lumayo doon nang walang nakakapansin.

Una kong sinilip ang dating production area ng A&A. Shit nakaka-miss.. Wala na ang nga machines don. Naging parang office na. Nagsisimula palang dumating ang mga empleyado ng kompanya. Gusto ko sanang pumasok pero need ng card access sa pinto. Kibit balikat nalang akong naglakad muli. Sa locker naman ako nakarating. Doon parin ang lugar ng locker room pero sobrang ganda ng mga locker don di tulad dati sa A&A. Saglit akong tumambay pero ng makita kong may cctv ay umalis na rin ako at baka mapasama pa.

Then saka ako napangiti ng matanaw ang silid namin noon ng mga kasamahan kong Quality controller. Sisilipin ko kung ano na hitsura non ngayon. Kaya lang bago ko pa pihitin ang door knob ay bumukas na yon kaya nadala ako papasok at nasubsob sa matigas na dibdib ng isang gwapong lalaki na naka business suit.

Who is he?

Gwapo ito, sobra.. Matangkad at may malamlam na mga mata, yun nga lang parang masungit. Nagsasalubong ang kilay nito nang tingnan ako.

"Are you the new assistant? How dare you na ma-late sa unang araw mo dito sa kompanya ko? Hindi kaba nagbasa ng mga rules sa contract na pinirmahan mo?"

Medyo naguluhan ako sa sinabi nya. Kaya ng hilahin nya ako ay napasunod lang ako at isinara nya ang pinto. Kinabahan ako .. Shit napagkamalan pa yata ako.

Naka slack pants ako at formal blouse na kulay puti. Mukha ba akong assistant? Sino kaya yung sinasabi non. Yari sya kung sino man sya. Mukhang masungit ang boss ng DMCC.

"S-sir nagkakamali po kayo, hindi----"

"Timpla mo ako ng kape dali!!"

Nagulantang ako sa sigaw na utos ng lalaki. Kaya hindi kona naituloy ang sinasabi. Bumalik ito sa table nya at sumubsob na sa kanyang trabaho, ni hindi na ako pinansin pa.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt