CHAPTER - 14 ( First Love )

1.8K 292 177
                                    

DAVID...

Ilang araw ko ng napupuna ang tila pagiwas sa akin ni Yuna, tuwing aakitin ko itong mag-lunch sa labas ay tumatanggi sya. Kapag oras ng trabaho ay dina sya masyadong natambay sa loob ng opisina ko. Halata ko din na naiilang sya sakin kapag kinakausap ko sa harap ng maraming tao.

And i wondering why? I thought okey na.. Na naiparamdam ko sa kanya na gusto ko sya. Pero parang kulang pa yata ang effort ko. Kung didiretsahin ko sya ay baka naman mabigla ito at lalong lumayo sa akin. But i know i have to do something. Lalo pa ngayon na sigurado na ako sa nararamdaman nya.

"David..unahin muna natin si Mr. Baltazar. Big chance yun ng kompanya na makilala. Malaking pera ang makukuha natin don." Anunsyo sa akin ni Kurt.

"Masyadong mabigat ang demand." 

"Kaya natin yun, isa pa ayaw mo ba non? Sya na ang mismong nag-offer sa dami ng kompanyang gustong magtrabaho sa kanya."

Humungot ako ng buntong hininga, sakto namang pumasok si Yuna at pumunta sa mini kitchen ng opisina ko.

"Gusto nya tayo mismo ang naroon."

"Eh ano naman? Problema ba yon? Me tao naman dito"

Paglabas ni Yuna ay nagkatinginan kami, bahagya syang tumango at lumabas lang ulit.

"Pagiisipan ko" i said to Kurt.

"Tskk don't tell me uunahin mo pa ang love life kesa sa trabaho, naku naman David, parang iba na ang goal mo ngayon ah."

"Kurt pwede ba? Kung ano-ano ang sinasabi mo dyan,"

"Ayaw mo lang yatang malayo kay Yuna, di isama mo sa site"

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Kurt. Di ako nakapagsalita dahil partly ay kasama yon sa mga dahilan ko. Pero ang pinakang dahilan ay ang Villanueva Builders. Kung tatanggapin ko ang offer di malabong magkita kami ng mga dating kaibigan. Lalo na ni Paolo. Handa na ba akong makita ang traydor na yon? And worst ay makatrabaho sya. Sabagay sa dami nyang business imposibleng mag focus sya sa project na yon.






YUNA...

Nahihiya ako kay Sir David dahil sa kumakalat na tsismis tungkol sa amin kaya umiiwas na ako. Si Sonia na ang lagi kong kasabay sa pagkain. Pero isang araw dumating ako sa pwesto ko na may three red roses sa table ko. Kinabahan ako ng makita yon. Binasa ko ang card.

To the most beautiful lady i met.
-DM

Napakagat labi ako. Lagot na talaga. Nakita din yon ni Sonia at pati sya ay namroblema din.

"Naku Yuna, nagtapat na nga, komplikado,.. Kausapin mo na si Sir"

Nakakataranta... Friday pa naman ngayon at uuwi ako sa makati. Gusto ko sana syang kausapin pagkatapos ng trabaho. Pero heto na nga at may pa-flowers na.

Agad akong pumasok ng opisina ni Sir dala ang bulaklak. Nakangiti sya ng pumasok ako pero bago ako makapagsalita ay tumunog ang cp na hawak ko. Inalis ko ang tingin sa lalaki at nakita ko ang isang unknown number na tumatawag. Sinagot ko yun habang nakatingin kay Sir David.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now