Hindi ko nalang sya pinansin hanggang sa napabuntong hininga sya. Alam kong lahat sila napabuntong hininga.
Narinig ko pang sabi ni mommy kay rover “anak, hindi yan titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.”
Hindi ko alam ang naging sagot ni rover dahil tinalukuran ko nalang sila at nag laro sa cellphone, hindi ko na rin nakain ang masarap na mangga na mas lalo kong ikinanguso.
Nagsi-datingan ang mga doktor at nurses, tinangal nila ang mga nakaturok saakin dahil aalis na kami pag tapos ng ultrasound.
“Doc, ito kasing asawa ko kay gustong mamili ng mga damit sa mall. Pwede na ho ba syang lumabas?” rinig kong sabi ni rover.
“Nako! Mr. Woodson, hindi pa pwede dahil kaylangan nya pa ng proper rest bukod sa hospital, thou malakas naman ang kapit ng bata pero kaylangan paring mag-ingat. Maybe give it one month, hindi pa kasi sya pwedeng lumabas dahil baka mainfection sya sa mga dust or viruses na nag kalat sa labas. ”
Nakita ko namang tumango-tango si Rover at napabuntong-hininga. Tumingin sa gawi ko at napa-irap nalang ako sakanya.
“Gusto mo nabang lumabas ma'am?” nakangiti tanong sakin ng nurse. Nakita ko ang badge nya at ang pangalan nya ay joy.
“Oo e, excited nakong bumili ng damit para sa anak namin.” nakangiti ko pang sabi.
“Nako ma'am! Wag kang mag alala, kapag ilang weeks or one month na rin naman pwede kanang gumala, pero make sure na check up muna para makasigurong ligtas kayo ni baby sa paglabas.” mas lalo naman akong na-excite sa sinabi ni joy kahit na one month pa iyon.
Tumango ako at nag pasalamat sakanya, magaan naman ang kamay nya sa pagtanggal ng needle. Bagay na bagay sakanya ang pagiging nurse.
“Ang gaan ng kamay mo.” nakanhiti kong sabi sakanya.
“Marami nga po ang nagsabi, salamat po.” nahihiya pa nyang sagot.
“Doc, okay na po. Ready na po sya.” sabi pa ni nurse joy sa doctor.
“Misis, mag lalakad po ba kayo o wheelchair?” tanong ng isang lalaking nurse.
“Gusto ko sanang mag lakad, pwede ba?” sabay tingin kay doc na nakangiti at tumango saakin.
Napa ‘yes’ naman ako sa aking isipan, salamat naman at kahit papaano ay makakapag lakad-lakad ako. Mabilis naman akong inalalayan ni rover sa pag tayo. Lumabas ang mga nurse kasama ang doctor at magkita nalang daw kami sa ultrasound room sa baba.
Wala ng gamit sa loob ng kwarto dahil naibaba na ni mommy at daddy kanina, mabilis ang kilos nila habang ginagawa iyon dahil marami rami ang naging gamit namin dahil halos doon na sila tumira.
Kumapit ako kay rover habang ang isang kamay nya ay naka bewang ko, thou kahit na namangha ako sa pagiging attentive nya saakin palagi ay hindi ko parin sya kinausap. Badtrip ako sa galit nya.
Nakasunod lang saamin sila mom habang patungo kami sa elevator para bumaba dahil nasa ground floor ang ultrasound at nasa third floor kami.
Nang nasa elevator ay niyakap ako ni rover sa likuran, kahit na anong gawin nya. Galit pa din ako. Kakalasin ko na sana ang pag kakahawak nya saakin, mas lalo nya lang hinigpitan yon.
“Sorry na, baby ko.” masuyo nyang sabi at pinaulanan pako ng halik sa leeg.
Nanindig ang balahibo ko sa ginawa nya pero syempre galit parin tayo. Galit dapat!
“wag mokong kausapin.” malamig kong sabi sakanya
Narinig ko nalang ang buntong hininga nya at kinalas ang braso saakin pero hinawakan nya parin ang bewang ko.
Can't keep your hands to yourself huh. I smirked.
Nang lumapag sa tamang floor ay nauna nakong lumabas, sumunod naman agad si rover sakin dahil hawak nya ang bewang ko.
Pumasok kami sa Ultrasound Room at nakita ko agad na busy ang mga nurses sa pag aayos ng mga gagamitin, hindi nako pinagpalit dahil naka hospital gown pa naman ako.
Pinahiga na agad ako sa katabing monitor, nag paalam ang nurse na itatas ang hospital gown ko at tinakpan ang ibaba ng tyan, napaigtad ako ng may ilagay na gel sa tyan ko. Malamig iyon kaya napahawak ako kay rover na nasa tabi ko.
“Pasensya na ma'am, malamig kasi ang room kaya lumamig din ang gel.”
Nginitian ko ito “Ayos lang.”
“Okay po, titignan na po natin ang baby.”
Parehas kaming tumango ni rover habang parehas na nakatingin sa monitor na itinuro ng nurse.
May kumalabog doon. “That's so clear, that's the heartbeat of your baby.”
Nanginig ang labi ko, oh my god! Sabay kaming lumaban sa sakit ko, sabay naming dalawa nalagpasan ang lahat. Salamat baby, mahal na mahal ka ni mommy.
“Look misis, your baby is looking. She's watching you too.”
Napatingin ulit ako sa monitor dahil nabaling iyon kanina kay rover, pinupunasan ang luha nya dahil ayaw tumigil. Alam kong he is overwhelmed too. Like what I'am feeling right now.
“She- she?” naguguluhan kong tanong.
“yes po, she. Meaning po babae ang anak nyo.”
Nakita ko ang anak kong nakatingin din sa amin ng daddy nya, at bigla itong ngumiti.
Napahiyaw sila mommy, alam kong masaya rin sila para saamin. Lalo na sa magiging apo nila. Nang matapos iyon ay niyakap ako ni rover at hinalikan.
“Salamat baby.” naramdaman ko ang tadyak ng anak namin.
It's Sophia Aurora then, naramdaman ko ulit ang sipa ng anak ko kaya hinawakan ko ang kamy ni rover at pinaramdam ko iyon sakanya.
Parehas kaming ngumiti, masaya ako dahil malakas ang anak namin, masaya kami ng daddy mo sophia. Mahal na mahal kita anak.
“I love you Rover. ” I just heard a 'hmm' to him, he's still in dazed at masuyo lang nakatingin saakin. Punong puno ng pagmamahal ang mga mata.
“I think, I fall really hard this time.”
“Hindi pa ba?”
Umiling nalang sya at humalik pa ulit ng isa, tumayo na ko para magbihis, sinamahan nya ko sa loob dahil praning sya at gustong lagi ko syang kasama sa lahat ng bagay.
Nagpasalamat kami sa doktor at kung gusto ko raw ang 4d ultrasound, yung makikita ang mukha ng anak namin ng mas malinaw.
Gusto ko iyon, pero may pain daw iyon dahil sa maselang bahagi ipapasok, namutla si rover doon. Sabi nya ay pag iisipan nya. Maybe kapag nasa seven months na si Sophia.
Nakasakay na kami sa kotse, sa pangalawang buhay ko, ngayon ko lang ma—appreciate ang maliit na bagay sa paligid ko. Kaya sobrang natutuwa ang puso ko.
Sa kotse, sila mommy ang panay ang kwento. Sabik na syang makita ang apo nila at si daddy naman na nakangiti lang pero alam kong excited na rin sya.
Si rover ang nag mamaneho, Hawak nya ang hita ko. Seryoso sya sa pagmamaneho, sya rin ang nag lagay ng seatbelt ko. Hindi naman maluwag at hindi rin mahigpit ang pag kaka-adjust nya, tama lang.
Nakatingin ako sa film ng ultrasound, at mas lalong napangiti ng nakatingin din sakin ang anak ko.
Baby Sophia, let's be strong together, and live until our heart contents. I live for you, Me and your daddy will take care of you.
Naramdaman ko ang pag-pisil ng kamay ni rover sa aking hita, napatingin naman ako sakanya. Panay ang tingin nya saakin ng may ngiti.
“Eyes on the road baby.”
She can't wait to go home, mom told me na may hinanda raw silang salu-salo. Andon na sila shile at ang iba ko pang mga kaibigan, pinaghandaan talaga nila ito. Masaya ako dahil kompleto nanaman kami, parang noon lang pero ngayob may nadagdag. Kaya alam kong mas masaya at mas magulo.
YOU ARE READING
Twisted Paths (SMBB)
General FictionNot related by blood but he's my Big Brother Not related by anything But He is my Big Brother. He is my Everything but he decline it. He is my Life but he Refuse it. He is my Big Brother and I inlove with him.
Chapter 45 - Cravings
Start from the beginning
