Chapter 45 - Cravings

Start from the beginning
                                        

Baby ko, paniguradong sasakit ang ulo ng tatay mo, sabay himas ko sa aking tyan habang nakangiti. Naramdaman ko ang munti nitong sipa, mas lalo akong natawa.

Marami na ring nag bago sa katawan ko, kung noon na size B lang ang bra ko ay size C na 'yon. Mas lumaki dahil may gatas na, kaya minsan gustong gusto ni rover na hawakan, lagi ko ngang napapagalitan dahil sa kakahawak nya dahil sa gabi ay magkatabi kami at ayokong may humawak saakin dahil init na init ako. Wala naman syang magawa kaya pinapalampas nya nalang.

Kulang pa ang aircon dito sa hospital kaya nag dala si rover ng electricfan at saakin lang nakatutok.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text. Kinuha ko 'yon at tinignan kong sino, well si rover palang naman ang laman ng phonebook ko, mamaya ko nalang kukuhanin ang mga number nilang lahat.

From: baby

Nasa labas nako ng hospital, tatakbo nako para sayo baby.

Kakababa ko lang ng cellphone ay bumukas na ang pinto ng kwarto namin. Napangiti ako ng hingal na hingal si rover na papalapit saakin, lumapat din ako sakanya at inex-tend nya ang kamay para mayakap ako pero lumapit ako sa kanan nyang kamay para makuha ang dala nya, napasimangot naman sya saakin na ipinag-kibit balikat ko nalang.

Naroon ang mangga at ketchup saka ang nakabalot na sili, hindi ko alam kung saan sya bumili marahil sa supermarket o sa palengke.

“thank you baby!” sabay halik sa labi nya. Ngumiti naman sya saakin at sya na mismo ang nagbalat ng mangga, binigyan kami ng mangkok at platito ni mommy.

My supportive mommy and my watching daddy is in the sofa sipping with his coffee.

“Baby, gusto ko sanang gumala bukas para mamili ng damit ng baby natin.” sabi ko kay rover habang sinasawsaw ang mangga sa ketchup na may sili.

Kumagat ako doon, hmm! So good. Kumagat pa ulit ako ng isa hanggang sa maubos at pinagbalat ulit ako ni rover.

“We'll ask the doctor baby, dapat hindi mo muna ito iniisip, kung magpapagaling ka ng maiigi ay makakagala tayo ng matagal, susundin ko ang gusto mo.” pinal at seryosong sabi nya.

Kapag talaga kaligtasan ko, laging ganito si rover. Hindi na mababali pa ang desisyon, kaya minsan inaaway ko para kung sakanilang pumayag pero minsan kapag sinabi kong mag hiwalay na kami sasabihin nya lang sakin ay ‘okay’ tapos hindi ko syempre papansinin kasi nagtatampo ako, sya parin ang manunuyo kahit na ako ang may kasalanan.

Minsan ayoko syang kausapin kahit na panay ang kwento nya ng kung ano ano, malaki na talaga ang pinagbago nya. Ako yun dati e, ako yun. Ngayon sya naman, bumaliktad na talaga ang mundo.

Lagi nya akong tinitiis kasi, buntis ako at mainit lang ang ulo ko sakanya dahil pinaglilihihan ko sya, tama naman sya doon. Minsan naaasar ako sakanya ng walang dahilan, minsan sa buhok nya, sa damit nya, sa pabango. Kulang nalang mag hubad sya sa harap ko sa gigil ko sakanya.

Bilib din ako sa haba ng pasensya nya, kunting I love you at halik ko lang dito ay para bang nawawala ang pagod nya kahit na anong ipagawa ko.

“Baby” nakanguso kong sabi habang sya nagbabalat parin ng mangga, seryoso.

“No, don't argue with me.”

Mas lalo akong napanguso. “Fine! Hindi ka sasama sakin kapag aalis ako.” pinal ko ring sabi habang tinataasan sya ng kilay.

Humarap sya saakin ng galit. “Baby, dalawa na kayong inaalala ko. Please? pwede bang makinggan mo naman ako.” nagsusumamo nyang sabi.

Pwede pala yon no, galit pero nakikiusap.

Twisted Paths (SMBB)Where stories live. Discover now