Hindi ko mapigilang hindi humikbi. Hinampas ko ang balikat nya at humiwalay sa pag kakayakap.
“Pinapaiyak mo naman ako ih!” sabi ko sakanya habang nakanguso at pinupunasan ang mga luha.
“Each passing day, pa cute ka ng pa cute sakin. Hulog na hulog nako baby, hindi mo na kaylangang gawin nyan.”
Ngumuso ako. “Kahit hindi ako madalas maligo?”
“Kahit wala kang ligo baby.”
“Kahit na, dry ang lips ko?”
“Kahit dry and chopped baby. Walang problema”
“Kahit hindi ka makaisa saakin?”
Nagkibit balikat ito. “Well, sabi mo naman babawi ka and I hold on to that.”
Huminga ako ng malalim at ngumiti. “okay!”
Tinulungan pa nya akong alisin ang nga luha kong ayaw mag sitigil.
“Rover naman eh! Pangalan lang ng baby ang pinag uusapan natin kung saan saan mo nanaman dinala. Tss ”
Tumawa lang ito at kinurot ang aking ilong. Kahit ano yatang pang gagago ang gawin ko sakanya ay hindi sya titiklop, uunawain nya lang ako.
“Oh, tama na yan. Nilalanggam na kami kanina pa!” Rinig kong sabi ni mommy na nasa sofa katabi si dad na nakahilig sakanya.
Hindi ako nag sisise na pinatawad ko sila, hinding hindi. Kung marunong kang magmahal ay dapat marunong ka ring magpatawad, Love that forgive.
Ngumuso ako kila mommy na kunwari ay na iistorbo ako.
“Mommy naman eh!”
She just chuckled heartily, tuwang tuwa mommy ha.
Tumayo ito at lumapit saakin, nahulog tuloy ang ulo ni dad at deretso sa sofa, ngumuso si dad na syang nagpatawa saakin. Cute!
“Oh my! Sorry honey.” sabay balik ni mom kay dad at hinalikan sa ulo.
Umayos naman ng upo si dad at ipinahinga iyon sa sandalan. Mukhang napagod ata si daddy, araw araw ba naman silang andito. Kahit na anong pilit ko na sa bahay nalang sila ay hindi nila ako sinangayunan, hindi raw sila mapapalagay.
Well, malapit na rin naman akong umuwi ilang araw nalang ang inintay ko na sabihan ako ng doktor, hindi naman kami nagmamadali kaya lahat ng pwedeng obserbahan saakin ay ipinagawa ni rover dahil sa pangamba nya.
Hindi ko tuloy maiwasang ngumisi dahil doon, he's over reacting pero ng sabihin nyang para iyon sa kalangayan ko at ni baby ay hindi nako nagsalita.
“I can't lose you baby, mababaliw ako. Baka sa asylum nyo nako pulutin pag nag kataon.” he's too sweet, I'm having a toothache.
Lumapit saakin si mommy ng makitang ayos na si daddy. Habang naglalakad sya ay hindi ko maiwasang tignan ang mukha nya, maganda si mommy. Her heart shape face, her thin eyebrows, her deep set jet black eyes na kapag tinignan mo ay napaka misteryoso.
Kahit sa edad nyang 48 ay napaka ganda parin nito, like a timeless beauty.
“Mom, what's your secret?” pambungad ko kay mommy ng umupo sya sa gilid ko. Mukha itong naguluhan sa tanong ko at naman 'huh?' nalang sya.
“Ang ganda mo parin kahit 48 kana. Vampire ka yata e.” natatawa kong sabi at sinundan naman iyon ni mommy. Si rover na natawa din sa gilid ko, nakikiusyuso sa usapan namin.
“Oh! hija, kapag alaga ka ng asawa mo hinding hindi ka papangit.” napa ‘wow’ naman ako.
Bigla akong bumaling kay rover at tinaasan sya ng kilay, nakangiti lang ito saakin.
YOU ARE READING
Twisted Paths (SMBB)
General FictionNot related by blood but he's my Big Brother Not related by anything But He is my Big Brother. He is my Everything but he decline it. He is my Life but he Refuse it. He is my Big Brother and I inlove with him.
Chapter 44 - Happy
Start from the beginning
