Chapter Fifty Eight

Começar do início
                                    

"Hindi na siya kabilang sa pamilya na ito, Katarina." Walang latoy na sambit ng don. "At kung ipagpipilitan mo ang tulong ang apo mo, para mo na ring sinabi na wala nang halaga sa pamilya na ito ang opinyon ko."

Matagal na nagka-titigan sila Abuelo at Abuela. Tila hinahamon ang isa't isa kung sino ang unang susuko o sino ang unang titiwalag sa gusto ng isa't isa.

Pero sa bandang huli, si Abuela na mismo ang umiwas ng tingin sa esposo nito at tumalikod na lang dito at iniwan kaming dalawa.

"Ano po bang kailangan kong gawin para matulungan n'yo si Eros?"

Muling bumalik ang tingin sa akin ng matandang don. Sa pagkakataon na ito, tila nakuha ko ang atensyon niya.

"Ano ba ang kaya mong isugal para kay Eros, babae?" Balik na tanong niya, nanghahamon.

"Gagawin ko po ang lahat ng gusto n'yo." Matapang at pinatatag ang dibdib na sagot ko.

May iisang posibilidad na tumatakbo sa isip ko ngayon na hihingin niyang kapalit sa hinihiling kong tulong. Parang sa mga telenobela, alam ko kung na kung anong baraha ang gugustuhin nitong ilapag ko sa mesa para makuha ang katiting na awa nito para kay Eros.

"Eros sacrificed a lot for you." Wika ni Don Carlos. "Kung hindi mo kayang gawin iyong ginawa ng apo ko para sa'yo, pinapatunayan mo lang na hindi ka karapat-dapat para sa kanya at isa kang maling pagkakamali na nagawa niya."

Sinalubong ko ang tingin ng matandang don, tumayo mula sa pagkakaluhod ko nang hindi kumukurap at hindi inaalis ang tingin sa kanya bago muling nagsalita.

"Gusto n'yong iwan ko si Eros. Iyon po ba ang hinihiling n'yo sa akin na kapalit?"

"I want you to begone in our lives. Kahit na sa susunod mo pang buhay, hindi ko gustong makita o madikit ka pa sa kahit na sino sa pamilya na ito," sagot ni Abuelo saka nagpatuloy. "Pero hindi ibig sabihin no'n na tutulungan na kita dahil lang sa ginawa mo ang bagay na gusto ko. Hindi ako p'wedeng pumabor sa isang miyembro lang ng pamilya, Eliz. Siguro naman naiintindihan mo na 'yan sa ngayon? Hindi lang ang buhay ni Eros at Gael at ginulo mo sa pagdating mo sa teritoryo namin. Maging ang buhay na rin ng iba. At ngayon lang ay nakuha ko ang disgusto mula sa asawa ko—na kahit kailan ay hindi nagtanim ng sama ng loob sa akin sa loob ng ilang taon naming pagsasama dahil lang sa naging epekto ng ginawa n'yong kapahangasan."

Umusal na lang ako ng paumanhin sa lahat ng sinabi nito saka ito hinayaan na magsalita at sabihin ang lahat ng gusto nitong iparating sa akin.

"Wala akong pinipiling paborito sa mga apo ko o maging sa mga anak ko. Pantay-pantay ang pagmamahal ko sa kanila. Kung may nakaka-angat man, si Katarina lang iyon. At hindi ikaw ang babae o maging si Eros, ang magiging dahilan para gumawa ako ng bagay na magpapakita ng hindi ko pantay sa pagmamahal sa kanila. Nabuhay ako nang ganito katagal dala ang paniniwala na ito. At hindi ngayon ang pagkakataon para magbago iyon."

Pinanood ko na tumayo ang don sa kinauupuan nito sa may sala ng mansyon at hinintay pa kung may susunod pa itong sasabihin.

Pero sa dismaya ko, wala na akong ibang narinig dito kundi ang mga naging yabag nito pa-akyat sa may hagdanan at makita ang pagkawala nito sa paningin ko.

Nanlulumo akong napa-luhod muli sa sahig ng mansyon saka dinala ang dalawang palad sa mukha ko at doon ibinuhos iyong mga luha na kanina pa gustong magbagsakan sa mga mata ko.

"What are you doing here?"

Nahinto ako sa ginawa kong pag-iyak sabay pinahid iyong mga luha sa mata ko gamit ang braso ko bago muling tumayo at harapin iyong direksyon ng pinanggalingan ng boses na iyon.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora