Chapter Thirty Four

20.3K 583 37
                                    

Chapter Thirty Four

Eliz

"BASED ON my initial assessment, wala naman akong nakikitang serious brain damage sa kanya," paliwanang nang pumuntang doktor sa bahay nila Gael na pinakilala nito na isa rin sa mga Mondragon, si Reigan, at isang psychiatrist at neurologist sa pamilya nila.

"Wala ba siyang kailangang pagdaanan na operasyon o gamutan na p'wedeng magpabilis ng pagbalik ng mga alaala niya?" narinig kong tanong ni Gael na isa rin sa mga namumuong tanong sa utak ko ngayon.

"Base sa mga records at pag-aaral, wala pa akong na-encounter na kailangan ng medical operation ang case na gaya ng sa fiancée mo," sagot ulit ni Reigan saka nagpatuloy. "Hindi pa ako p'wedeng magbigay ng final findings sa kaso niya dahil mas maganda na dalhin mo muna siya doon sa ospital ko para matingnan siya gamit iyong mga bago naming equipment. Pero para sa ikakapanatag ng loob n'yong dalawa, I can guess that she's suffering from either selective amnesia or partial amnesia due to traumatic experience."

Napapatango na lang ako sa narinig ko mula kay Dr. Reigan dahil posible ngang iyon ang nangyari sa akin. Lalo pa't nasabi ko rin sa kanya iyong huling bagay na naalala ko bago ako nagising at napadpad dito sa isla. Iyong nangyaring bigla kong pagkalunod sa dagat ng El Nido at pagdilim ng buong paligid bago ako tuluyang nahila ng tubig at nawalan ng malay.

"Pero initial assessment pa lang naman ito," muling sinabi ng doktor. "I just run some various psychological test. Base sa naging sagot at behavior mo, wala naman akong nakikitang serious brain damage. But I will appreciate it kung matitingnan kita agad sa Maynila as soon as possible just to make sure na walang nangyaring internal hemorrage sa utak mo or any serious brain damage na naging dahilan para may mawalang alaala sa'yo—partikular sa alaala mo kasama si Gael."

"Kung gano'n, p'wede na siguro kaming sumabay sa'yo sa pagbalik mo sa Manila sa susunod na araw?" wika ni Gael. "Hindi ka ba p'wedeng bumalik na lang bukas para mas mapabilis ang pagtingin mo kay Eliz?"

"Pinsan, baka gusto mo muna akong pagpahingahin, 'di ba? Galing pa akong New York tapos dumerecho ako ng uwi dito. May a-attend pa nga saka akong seminar sa Illinoi pero pinamadali mo ako na pumunta dito. Makonsensya ka naman!"

"Pasensya ka na, Dok Reigan sa naging abala," hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt sa mga narinig ko. "Kapag nakahanap na ako ng trabaho, babayaran ko na lang iyong naging abala ng pagtingin mo sa akin."

"Nah! I was just joking," pagbabale-wala niya sa offer ko saka ako nginitian. "Isa pa, bayad na rin naman ni Gael ang serbisyo ko kaya huwag mo nang isipin iyon. Saka ginusto ko rin naman umuwi dito para makilala ang infamous bride to be ng hayop na 'to!" dugtong pa nito sabay ipinatong ang isang braso nito sa balikat ni Gael. "Nice to meet you by the way."

"Masaya rin ako na makilala ka," nasabi ko na lang saka nakahinga nang maluwag na nagbibiro lang pala siya sa mga sinabi niya.

"So, all this time nandito lang pala sa isla si Eliz," muling nagsalita si Reigan habang nakaharap ito kay Gael. "Bakit wala man lang sinabi sa atin si Eros? Ano ba 'to? Panibago niyang scheme para subukan iyong pagmamahal mo sa fiancée mo? Alam mo na? Iyong gaya no'ng ginawa niya kanila Trojan at Eila?"

"Walang kasalan si Eros sa nangyari," hindi ko mapigilang mapataas ang boses sa bigla kong pagdepensa sa pinag-uusapan nila. "K-kasalanan ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kong pangalan."

"At bakit mo naman naisip gawin iyon?" kunot-noong tanong ni Reigan.

Naramdaman ko na pati si Gael ay naka-pokus na rin ng tingin sa akin at naghihintay ng magiging sagot ko.

"H-hindi ko rin alam..." litong sagot ko. "Siguro natakot lang din ako dahil hindi pamilyar sa akin iyong paligid ko at mga taong unang nabungaran ko."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora