Chapter Fifty Four

17.3K 628 41
                                    

Chapter Fifty Four

Eliz

"SIGURADO KA bang hindi mo gustong magpa-ospital?"

"I'm fine. Don't worry about me."

"Paano ako hindi mag-aalala sa'yo kung ganyan ang itsura mo?" Sinubukan kong tatagan ang naging tunog ng boses ko dahil ayokong makadagdag pa ng alalahanin pa sa kanya.

"You worry too much. This bruises won't kill me—ow!" Napa-lakas na daing nito nang sadya kong diinan iyong pagdampi ko ng bulak na may alcohol doon sa sugat niya sa mukha.

"O? Akala ko ba hindi mo ikakamatay?"

"That was a foul move, Monique!" Pagbabanta pa niya na ikinatawa ko na lang.

Matapos kong maka-usap si Abuela at mahanap si Eros na nasa poder ni Manang Pising at naabutan itong naglalagay ng paunang lunas sa mga sugat na natamo nito mula sa pag-aabot nila ni Gael, agad nagyaya si Eros na umalis kami sa Alta Pueblo dahil na rin sa respeto nito sa naging desisyon ng kanyang abuelo.

Nandito na kami ngayon sa bayan ng El Nido kung saan may inuupahan kaming bahay-bakasyunan na madalas ay inaalok ng residente dito para sa mga bakasyunista na nanggagaling sa Maynila o hindi kaya sa ibang parte ng Pilipinas at maging sa mga dayuhan na rin na bumibisita sa probinsya.

Isa iyong maliit na kubo na gawa sa pawid at may mga bintana na gawa sa kapis. Kumpleto rin ang paunahing gamit nito sa loob gaya ng isang papag na gawa sa kawayan at may sukat na kakasya lamang sa dalawang tao, isang mesang panghapag-kainan at tatlong pares ng upuan, mga kurtina, gamit sa pagluto, banyo at may maayos din na tubig at kuryente. Pero ayon din sa may-ari ng paupahang bakasyunang bahay ay may rotational brown out na nangyayari sa lugar nila paminsan-minsan kaya may ipinahiram na rin sila sa amin na lampara at ilang piraso ng kandila na maari naming gamitin sa mga ganoong pagkakataon.

Swerte na lang namin na kahit papaano ay nakakuha kami ng discount mula sa Aleng nakausap namin na tila ba kilala at namukhaan si Eros. Laking pasalamat na rin namin nang hindi na ito mag-ungkat tungkol sa itsura nito at maging doon sa dahilan kung bakit napunta ang isang Mondragon sa kanilang bayan.

"Bakit pala isang gabi lang tayo rito?" Bigla kong naitanong sa kanya nang maisip ang tungkol sa bagay na iyon. "Kung iniisip mo na sasapat ang isang gabi para gumaling ang sugat mo, p'wes mali ka ng iniisip, Eros."

Biglang hinawakan ni Eros ang kamay ko na may hawak doon sa bulak nang muli ko na naman iyong idadampi doon sa mga sugat niya para linisin ang mga iyon saka ko ito biglang inalalayan sa ginawa nitong pagbagon mula sa pagkakahiga nito sa papag para maupo.

"I asked one of my friends from one barrio here in Palawan to stay within their area for a while. We'll stay there."

"Ha? Saan?"

"Barrio Huego," sagot nito saka nagpatuloy. "Also, I've already bought a piece of property there so you don't have to worry about anything."

"Property?" Hindi maka-paniwalang ulit ko sa narinig. "Eros, huwag mong sabihing nagsasayang ka ng pera? Hindi ba't..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko magiging insensitibo ako kung babanggitin ko pa ulit sa harapan niya ang naging kinahinatnan niya.

"I have my own funds, Monique," paliwanag nito na tila ba naintindihan na niya iyong naging reaksyon ko. "Besides, I didn't choose to be in a fight where I'll totally lost everything. Sometimes, you just have to think ahead of time before executing your plans."

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko doon sa ginawa niya.

Sa isang banda, gusto ko siyang palakpakan doon sa pagiging mautak niya. Sino ba namang makakapag-isip na makakapag-pundar na pala ito ng property bago pa man mabawi ng pamilya nito ang lahat-lahat ng sa kanya? Pero sa kabilang banda naman, nako-konsensya ako lalo dahil hindi naman siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi rin dahil sa akin.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now