Chapter Forty Eight

17.8K 507 60
                                    


Chapter Forty Eight

Eliz

IMPIT AKONG napa-ungol nang maramdaman ko ang paglalim ng halik na pinagsasaluhan namin ni Eros, dito sa gitna ng may kadilimang kwarto, na tanging ilaw lamang mula sa labas ng bintana ang nagsisilbi naming liwanag.

Bigla kong napa-kapit doon sa suot niyang coat nang maramdaman ko na tila nanlalambot na ang tuhod ko sa sobrang panghihina sa mapupusok na halik na binibigay niya. Mabilis din naman akong sinalo ni Eros nang maramdaman niya ang panghihina ko saka niya mahigpit na ipinulupot ang isang braso niya sa baywang ko habang ang isa naman ay patuloy na humahaplos sa pisngi ko, pababa sa may leeg, balikat, at hanggang sa mapa-usal na lang ako sa pangalan niya nang maglayo sandali ang mga labi namin at maramdaman ko ang tila pagdaloy ng libo-libong boltahe ng kuryente sa likod ko nang sumayad daliri niya doon.


Oh, my love

My darling

I've hungered for your touch

A long, lonely time


Kasabay ng malakas na musika na nililikha ng tugtugan sa baba kung saan ginaganap ang party at kung saan kasalukuyang pumapa-ibabaw sa ere ang isang malamyos ngunit napaka-lambing na love song mula sa nakaraan, bigla ko namang naramdaman na tila idinuduyan ako ni Eros na tila ba inaalalayan niya ako na sumunod sa tugtog ng musika.

"A-anong ginagawa mo?" Nahahapo, nanghihina at bahagyang natatawang tanong ko doon sa ginagawa niya nang muling maglayo ang mga labi namin mula sa isa't isa.

"Dancing," sagot niya saka ipinatong ang baba niya sa ibabaw ng ulo ko, lumipat ang isang kamay na nasa likuran ko para hawakan at ipagdikit ang mga kamay namin saka lumuwag ang yakap ng braso nito sa baywang ko.


And time goes by, so slowly

And time can do so much

Are you still mine?


Nagtataka pero pinili ko na lang na huwag nang mag-komento doon sa ginagawa niya at sumunod na lang din sa ritmo at musika na nasa ere saka ko dahan-dahang isinandal ang ulo ko sa dibdib niya, ipinikit ang mga mata, pinakinggan ang tibok ng puso niya at sinulit na lang ang bawat segundo ng mga oras na ito.

"I always love this song..." sabi niya na bahagyang ikinagulat ko.

"Ang alin?"

"This. Unchained Melody," paliwanag pa niya saka sunod niya akong ipinihit patalikod sa kanya at muli kong naramdaman ang mga yakap niya sa baywang ko at ang baba niya sa kanang balikat ko.


I need your love

I need your love

God speed your love to me


"At first, I find the lyrics of this song ridiculous," muli kong narinig ang boses niya at ang init ng hininga niya sa leeg ko habang patuloy kaming sumusunod sa malambing na tunong ng musika. "Who in their right mind would be this hungry and crazy over love? Over a woman, for them to make such love song?"

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now