Chapter Thirty Six

20K 614 87
                                    


Chapter Thirty Six

Eliz

"P'WEDE BA tayong mag-usap?"

Wala siyang pinakita na pagkagulat o kahit anong reaksyon nang marinig niya ang boses ko mula sa likuran niya. Na para bang alam na niya na kanina pa nandito ang presensya ko sa may kwadra ng mga kabayo, nagpalipas ng ilang minuto dahil sa pag-iisip ng mga tamang salita na dapat kong sabihn sa kanya at kung paano ko ba sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya.

"Do I even need to hear another lies from you, Monique..." pabitin na sabi niya saka niya ako hinarap at inalis ang atensyon doon sa hinahaplos niyang alagang kabayo na kung hindi ako nagkakamali ay may pangalan na Achilles. "Or should I start calling you now as Eliz?"

"I-I'm sorry..." halos hindi ko na marinig ang sarili ko nang banggitin ang mga salita na iyon dahil sa hiya saka ko napayuko dahil hindi ko kayang tapatan iyong nagbabagang tingin ng mga asul niyang mata. "Hindi ko intensyon na hindi sabihin sa'yo ang totoong pangalan ko. Pero hindi ko rin intensyon na magsinungaling sa'yo o lokohin ka, Eros!" mariing at determinadong dagdag ko.

"Really?" nahihimigan ko ang sarkasmo sa boses nito. "How could I believe what you just said if you can't even speak the truth about your name?"

"Pero—"

"My god, Monique! Your name will changed everything!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagtaas ng boses niya na nagpayanig sa buong pagkatao ko.

Sa ilang beses kong narinig na nagtaas ng boses si Eros, ito yata iyong unang pagkakataon na nakaramdaman ako ng sobrang takot para sa galit na nasa tono nito.

"You should have at least told me your real fucking name so we won't end up in this kind of shit!" muling sigaw pa niya at kitang-kita ko na ang paglabasan ng mga ugat sa leeg at noo nito, maging ang pamumula ng mukha nito sa galit.

"Sorry..." hiyang-hiya na lang na sabi ko saka ko naramdaman ang unti-unting pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

"Huwag mo akong daanin sa pa-iyak-iyak mo, Monique! I won't buy it! I won't believe anything that comes from your lying mouth" may diin sa bawat salitang binitawan nito, sinasadyang mas saktan pa ako dahil sa naging kasalanan ko.

"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry." Ilang beses ko pang inulit habang pinapahid ko ang mga luha sa mga mata ko na hindi naman mawala-wala.

"Was it fun?" muli kong inangat ang tingin ko sa kanya nang mahimigan ko muli ang sarkastikong pananalita nito. "Natuwa ka ba habang niloloko mo ako at binibilog-bilog ang ulo ko? Was your amnesia one of your schemes too? C'mon, Monique! Tell me something more fascinating than the lies you said straight into my face!"

"H-hindi ako nagsisinungaling no'ng sinabi ko na wala akong maalala sa nakaraan ko," muntik ko pang makagat ang dila ko dahil sa pagkataranta na masagot agad ang paratang niya.

"Are you saying that you can't even remember the man whom you supposed to marry? Whom you're supposed to head over heels in love with to say yes?" natatawang tanong niya saka muling bumalik ang galit sa mukha nito. "Fuck that shit! And fuck you!"

"Nagsasabi ako ng totoo!" depensa ko pa sa sarili ko. "Eros, please! Makinig ka naman muna sa mga paliwanag ko!"

"And why would I?" sarkastikong tanong niya. "And why would you even bother? Don't stress yourself explaining, Monique. Don't need it. Don't want it. Just fucking leave me alone!"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako napapakinggan!"

Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob ko para tapatan iyong determinasyon niya na paalisin ako sa kagustuhan kong manatili sa malapit niya para makapagpaliwanag.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now