Chapter Twenty

22.6K 549 50
                                    

Chapter Twenty

Eliz

"HINDI PA ba tayo babalik sa mansyon?"

Nandito kami ngayon ni Eros sa kitchen counter ng pribadong cabin niya, sabay na nag-aagahan at pinagsasaluhan iyong hinanda niya na Grilled Cheese na may palaman na spam at mainit na kapeng barako. Tipikal na agahan na gusto niya kapag gusto niya lang kumain ng tinapay at hindi magkanin.

Matapos nang nangyari kahapon, inakala ko na magiging awkward ang magiging pagsasama namin. Kaya laking gulat ko nang mabungaran siyang naghahain ng pagkain para sa dalawa sa may kusina at inalok pa ako ng kakalagay niya lang na kape.

Pero sa totoo lang, ako lang yata ang hindi komportable na nakaupo sa tapat niya. Mukha talagang wala lang sa kanya iyong nangyaring aksidenteng pagkakadikit ng katawan namin, iyong mga binitawan niyang salita, at iyong apoy na nasa mata niya na halos tumunaw na sa katinuan ko nang magtagal ang titigan namin kahapon.

Hindi ako komportable na kasama si Eros. Lalo na ngayon na kaming dalawa lang ang magkasama sa gitna ng kawalan, may mga lalaking naghahabol at posibleng naghahanap pa rin sa amin, at nag-aagahan na tila ba wala akong kasamang lalaki na walang saplot pang-itaas na siya talagang nagpapabagabag sa isip at atensyon ko ngayong umaga.

Alam ni Eros kung ano ang asset niya—iyong malapad at medyo mabuhok niyang dibdib. Hindi ko alam kung sinasadya niya na mas lalong lituhin ang isip ko sa kung ano ang dapat na maging reaksyon ko ngayon at sa nangyari kahapon. O, kung talagang ganito lang siya mag-agahan.

Ang kumain nang walang pantaas.

"Are you out of your mind? You want to be killed for real this time?" kulang na lang itaas niya ang kilay niya sa akin nang sagutin niya ang tanong ko. "Are you even thinking, Monique? What's your educational background anyway? 'Cause you think like a pre-schooler with no common sense at all."

"Hindi mo ba ako p'wedeng sermunan lang nang hindi mo na iniunsulto ang pagkatao ko?" hindi ko pinigilan na iparinig sa kanya iyong iritasyon ko sa tabas ng bibig niya. "Maayos akong nagtatanong, hindi ba? Hindi mo ba p'wedeng sagutin na lang iyon nang wala ng iba pang komento?"

"I'm stating facts, woman. I'm not just being brute," sagot niya. "It was also your lack of danger and common sense that we end up in this situation. Show gratitude because I save your mindless ass."

"Maraming salamat po, senyorito," nang-uuyam na sabi ko sa kanya sabay tumayo at yumukod na tila ba nagpupuri ako sa isang hari—na siya namang talaga base na rin sa pag-uugali niya.

"Stop fucking around," iritableng saway niya. "Hindi pa tayo p'wedeng bumalik sa mansyon nang walang maayos na plano. Nakita mo naman siguro kung sino ang isa sa mga humabol sa atin, hindi ba? We need to be wary of that man. The house will be the most unsafe place for you, for us. Hindi tayo nakakasiguro kung sila lang ba talaga ang nagbabanta sa buhay mo o may iba pa silang kasama. Do these things make sense to you now, Monique?"

Napatango na lang ako at hindi na nagkomento doon sa nakaka-insultong paraan ng pagpapaliwanag niya.

"But it still doesn't make sense to me why they were after you..." Biglang lumalim ang tingin ni Eros sa akin na tila ba bigla niya akong gustong kwestyunin na tila ba isa siyang pulis. "You presence still confused me. Kung nagpapanggap ka lang ba talaga na walang alam o isa rin 'to sa mga plano nila? Ang paniwalain ako sa mga pinagsasabi at inaarte mo? It always makes me wonder how all these things happen right after I saw you."

"Kung gusto mong mag-background check sa akin, senyorito, wala namang problema," may diin kong sabi sa salita na iyon. "Ilang beses ko ba dapat ipaliwanag sa'yo na hindi ko kilala ang mga tao na iyon at hindi ko pa rin maalala kung sino ako? Saka nababaliw ka na ba? Bakit ko naman ilalagay ang sarili ko sa panganib kung kakasamahan nila ako? Akala ko ba may common sense ka?"

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now