Chapter Twenty Nine

23.1K 656 57
                                    

Chapter Twenty Nine

Eliz

GAYA NANG inaasahan, nagsimulang bumagsak ang naglalaking patak ng ulan.

Sa kabila ng pagpapadagdag hirap ng ulan sa akin na makita ang daan, ginamit namin ni Eros ang pagkakataon na iyon na makatakas mula sa pinagtataguan namin kanina at mas makalayo pa doon sa mga humahabol sa amin nang hindi nila natutunugan.

Pero hindi gaya ko, naging madali lang para kay Eros na akayin ako sa mas masukal pang parte ng kagubatan na tila ba wala lang sa kanya iyong dagdag pahirap ng ulan na pumapalibot sa paligid. Ganito niya talaga siguro kaalam ang buong isla para magawa niya ang bagay na ito.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang minuto o oras na ba kaming naglalakad pero may pakiramdam ako na sobrang layo na namin ngayon sa cabin. Kaya kahit papaano, bahagya na rin akong nakaramdam ng kaligtasan para sa buhay naming dalawa.

Isa pa sa nakakapagpalubag ng loog ko ay ang mahigpit na hawak ni Eros sa isang kamay ko habang inaakay niya ako sa dilim.

Sa ilang beses na nalagay ang buhay ko sa panganib, ngayon ko lang mas naramdaman iyong presensya ni Eros—kung paanong iyong kaalaman na nandito lang siya sa tabi ko, ligtas at kasama ko, ay sapat na para mawala iyong natitirang takot sa puso ko.

"We'll swim from here."

Napatingin ako sa malawak na sapa na nasa harapan namin ngayon at doon sa napapakinggan kong malakas na agos ng batis sa may 'di kalayuan.

"H-hindi ako marunong lumangoy," sagot ko sa kabila ng nangangatog kong labi dahil sa matagal na pagkakababad sa ulan at lamig.

"You can try walking. Hindi naman gano'n kalalim ang tubig."

Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang trauma ko sa tubig. Kung dahil pa 'to doon sa muntik ko nang pagkakalunod sa dagat no'ng nakaraan? Sa malabo kong alaala na may kinalaman din sa tubig? O, doon sa walang kasiguraduhan na mababaw nga lang iyong tubig na nasa harapan namin ngayon.

"C'mon, Monique!" wika pa sa akin ni Eros saka inabot ang isang kamay niya sa akin habang ito ay nasa tubig na pala nang hindi ko namamalayan. "Trust me. You'll be fine. I'll keep you safe."

Sa kabila ng takot at nangangatog kong katawan, sinubukan kong abutin ang kamay ni Eros. At nang makuha na niya iyon ay mahigpit niya iyong hinawakan saka ako inakay nang dahan-dahan sa tubig.

Hindi pa nagtagal ay naging relax na ang mga binti ko sa ilalim ng tubig at maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa tapat ng rumaragasang tubig ng batis.

"Sandali. Hindi ba ito iyong batis malapit sa kubo?"

"It's not. But there's a passage inside that will lead us there."

"Ibig sabihin, makakabalik na tayo sa mansyon?"

"In due time, yes."

Marami pa sana akong gustong itanong pero si Eros na mismo ang nagpahinto sa akin saka ako hinila patawid sa malakas na tubig ng batis.

At nang makatawid na kami doon ay saka bumulaga sa akin ang isang maliit na kweba.

"Wait here," dinig kong sabi ni Eros kahit hindi ko siya makita sa dilim saka ko naramdaman na inakay niya ako sa kung saan at napaupo ako sa matigas na bagay na sa tingin ko'y yari sa kawayan.

Ilang sandali pa ay nasilaw ako sa liwanag na bigla na lang lumitaw sa may isang sulok, sunod kong nakita si Eros na may sinisindihang sulo na nakadikit sa may pader ng kweba.

"Now let's hope those bastards refill my supplies here," dinig ko pang sabi ni Eros saka ito may kinalkal na kung ano sa malaking baul na nasa tabi nito.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now