Chapter Ten

25.1K 566 8
                                    

Chapter Ten

Eliz

"TELL ME where you live. I'll send you home."

Ilang beses kong ginalaw-galaw ang tainga ko at napapatingin sa langit kung may paparating na naman bang sama ng panahon dito sa isla dahil do'n sa sinabi niya.

"What are you doing?" nakakunot na sita niya doon sa ginagawa ko.

Isang buwan mahigit na ang nakakalipas magmula nang mapadpad ako sa isla, habang isang linggo naman ang nagdaan magmula nang matapos ang trahedya ng sunog dito at sa pagkakaligtas ko sa buhay ng antipatikong Eros Mondragon na 'to.

At sa loob ng ilang linggo kong pananatili dito, hindi ko aakalain na sasabihin niya sa akin ang bagay na 'to ngayon.

"Magaling ka na ba talaga o masama pa rin ang pakiramdam mo?" hindi ko maiwasang maitanong sa kanya.

"And what made you think of that?"

"Pinapauwi mo na kasi ako e! Tama ba 'yong narinig ko o guni-guni ko lang 'yon?"

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko saka napatingin sa mukha ko na para bang binigyan ko na naman siya ng panibagong rason para mainis sa akin o hindi kaya umarteng bastos at walang modo sa harapan ko.

"You really want me to say this to you, huh? Why do you keep making things difficult for both of us? Gaano ba kahirap sa'yo ang sumunod sa mga sinasabi ko?"

"Alam mo, maliban d'yan sa ugali mo, wala na akong nakikitang nagpapahirap sa akin sa isla na 'to," sabi ko saka namaywang sa harapan niya. "Bakit kasi hindi mo na lang linawin sa akin 'yong sinabi mo nang parehas na tayong hindi makunsumisyon sa isa't isa? Tama ba ang dinig ko na pinapauwi mo na talaga ako?"

"Yes! I'm letting you go! Is everything clear to you now?" pasigaw niyang sabi na para bang tuluyan nang naubos ang pasensya niya sa akin saka siya muling napabuntong-hininga. "Look, woman. I am thankful with what you did. For saving my life, for helping my people, thank you. And just like what I have said before, I will personally send you home when everything is clear."

"Ibig sabihin hindi mo na ako pinaghihinalaan kaya mo na ako pinapaalis?"

"Yes. God damn it!"

Matagal akong napatingin sa mga mata niya at doon sa iritasyon na mababakas sa mukha niya.

At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko na napigilang mapangiti sa kanya.

"Hindi ba? Sabi ko naman sa'yo at ugali mo lang ang nagpapahirap sa atin dito."

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'yon o bakit hindi ko pinigilan ang sarili ko na gawin ang bagay na 'yon.

Basta nakita ko na lang ang sarili ko na kinukuha ang dalawang kamay niya at marahang hinawakan iyon.

"Salamat, Eros. Salamat."

Napatingin siya doon sa kamay ko at marahil ay nagtaka doon sa ginawa ko kaya mabilis niya ring hinila ang kamay niya saka binalik ang tingin niya sa mukha ko.

"Let me remind you that I'm only doing this to return the favor, Monique. Huwag mong lagyan ng ibang kahulugan ang ginagawa ko. And to be honest, you still annoy the hell out of me."

Ako naman ngayon ang napakunot ng noo saka napataas ang kilay sa sinabi niya.

"Ano bang naiisip mo na iniisip ko? Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago! Sobrang laki pa rin talaga niyang ego mo para lagyan na naman ng malisya 'yong simpleng papasalamat ko!"

"There's no need for thank you's when I was the one who offered to do this in the first place," mabilis na sagot niya sa akin saka tumalikod at akmang lalabas na sa kubo. "Gather your things. Aalis tayo mamayang hapon."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt