Chapter Fifty Seven

16.4K 490 27
                                    

Chapter Fifty Seven

Eliz

"NAPAPA-DALAS na iyong pag-uwi mo nang madaling-araw galing sa pampang. Hindi kaya masyado mong pinapagod ang sarili mo, Eros?"

Alam kong nakikita niya sa mukha ko ngayon ang sobra-sobrang pag-aalala at marinig ang mga sinabi ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng alas tres ng umaga.

"Okay lang ako," sagot niya na may kasama pang ngiti pero kahit iyong ngiti niya ay halatang pagod mula sa buong araw nitong pagsama sa pangingisda at pagbuhuhat ng banye-banyera ng isda sa may dagat.

Magmula nang mapadpad kami rito sa Barrio Huego, sa kabila ng bilin ng doktor na kailangan niya nang mahaba-habang pahinga para tuluyang maka-recover ang katawan niya mula doon sa mga natamo nitong pinsala, pinili pa rin ni Eros na maghanap ng trabaho at heto nga't sinasama-sama na siya ng mga mangingisda sa barrio sa pagpapalaot ng mga ito para manguha ng mga isda at iba pang lamang-dagat na p'wedeng mabenta sa may local na palengke ng barrio.

"Kumain ka na ba?" Tanong sa kanya matapos ko siyang maalalayan na maupo doon sa may hapag-kainan. "Gusto mo bang magkape o kahit tubig man lang?"

"I said I'm fine." May halo pang mahinang tawa na sagot niya. "Bakit ba masyado kang nag-aalala sa akin? I'm healthy as a bull, Monique."

"Hindi ka mukhang healthy sa akin kung ako ang tatanungin mo." Sagot ko sa sinabi niya saka pumunta sandali sa kusina at nagsalang ng mainit na tubig bago bumalik sa may mesa at naupo sa tabi nito. "Eros, hindi kaya masyado mo nang pinapagod ang sarili mo n'yan? Kita mo at hindi pa nga masyadong magaling ang mga sugat mo, o!"

"Panahon kasi ng magandang huli ngayon, mi alma." Tawag niya sa akin at doon sa ginagamit niyang endearment sa wikang Espanyol na ang ibig sabihin ay my love o my soul. "Isa pa walang masyadong nakakatulong ang mga mangingisda rito. Halos lahat na sila ay may edad na kaya hangga't maaari, tumutulong ako sa kanila kahit wala ng bayad."

Hindi na ako umapela doon sa sinabi niya at isinandig na lang ang ulo ko sa balikat nito at mahigpit na ginantihan iyong paghawak ng isang kamay niya sa akin.

Hindi lang halata sa unang tingin pero likas kay Eros ang maging matulungin sa iba lalo na doon sa matatanda—gaya na lang kung paano ko napapansin noon ang pagiging mabait nito kanila Aling Pising at ibang nakakatanda sa isla no'ng nasa Alta Pueblo pa lang kami.

Nabanggit na rin sa akin ni Abuela noong huling pag-uusap namin na sila na ang nagpalaki kay Eros. Nang tanungin ko naman si Eros tungkol doon, sinabi naman nito na ang mga matatandang Mondragon na nga ang nagpalaki sa kanya at talagang lumaki ito sa isla. Kaya hindi na rin siguro kataka-taka na may puwang lagi sa puso nito ang mga matatanda.

Nang matanong ko naman si Eros tungkol sa mga magulang nito, sinabi lang nito na sa Maynila nakatira ang mga ito at bibihira lang niya makita dahil na rin sa pagiging abala ng mga ito sa negosyo ng pamilya nila. Kaya sa halip na sa mismo nitong mga magulang, mas naging malapit si Eros sa abuela at abuelo nito na siya na nitong tinuturing na pangunahin niyang mga magulang.

At magmula rin no'ng hamunin ko si Eros na gumamit ng salitang Tagalog kapag nakikipag-usap sa akin, sinisikap na nito na maiwasan ang magsalita masyado ng Ingles kahit pa nga para dito ay hindi niya gusto ang punto ng pananalita niya kapag nagta-Tagalog. Pero para naman sa akin, natutuwa akong pakinggan iyong mala-foreigner na punto niya kapag nagsasalita—idagdag pa na talagang may dugong banyaga rin talaga dito na mahahalata rin naman sa mga asul na mata nito.

Magmula rin nang mapadpad kami sa lugar na ito, nakikita ko ang pagsusumikap ni Eros na mag-adjust sa bagong uri ng pamumuhay nito... kahit pa nga sa punto na napapadalas na ang pag-aabuso nito sa katawan nito sa kaka-trabaho sa may pampang.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now