Chapter Twenty Five

21.8K 615 64
                                    

Chapter Twenty Five

Eliz

HINDI KO napigilang mapasinghap nang maramdaman ko ang pagdausdos ng pino at malabot na brush mula sa isang pala-pulsuhan ko na nakakulong pa rin sa kamay ni Eros, pababa sa natitira pang parte ng kamay at braso ko, hanggang sa mas bumaba pa iyon at sumayad sa balikat ko papunta sa may leeg.

Bigla akong napakislot sa kakaibang kiliti na binibigay ng brush sa balat ko sabay ng paglabas ng isang tila nahihirapang ungol sa bibig ko.

Alam ko na hindi ko dapat maramdaman ang bagay na 'to, na dapat akong magpumiglas at mag-isip ng iba pang paraan kung paano makakatakas sa malaking bulto ng lalaking naka-ibabaw sa akin ngayon maging ang nakakapanindig-balahibong karisma nito.

Pero sa tuwing sinusubukan kong makawala sa hawak niya, sa ilalim ng katawan niya, tila ba mas lalo lang ako naliliyo at nadadarang sa hindi ko mapangalanang bagay na binibigay niya sa akin at ginigising sa loob ng katawan ko.

"I thought you want to feel the brush again, Monique?"

Isang malakas na singhap ang naging sagot ko sa tanong niya nang muling maglakbay ang brush na hawak nito papunta sa likod ng tainga ko, pababa muli sa leeg at pabalik na tila ba nalaman na ni Eros kung aling parte ng katawan ko ang pinaka-sensitibo pagdating sa isang bagay gaya ng brush na pinaglalaruan nito ngayon.

"You want this brush, Monique?" narinig kong bulong niya sa isang tainga ko. "Feel it. Take all the tingling sensation that the bristle will give you. Suck it in. Beg for it."

"Eros, please," pagmamakaawa ko pa sa kanya.

"Please what?"

Bigla ko na lang nakagat ang ibabang labi ko nang dumampi na ang brush sa gilid ng labi ko, nagpapaikot-ikot doon, na mas lalo lang nagpapahirap sa paghinga ko.

"Open your mouth, Monique," para akong kinuryente nang marinig ko muli ang boses ni Eros at maramdaman ang malalim at pigil din niyang paghinga. "Don't make it hard than it already is. Open your mouth or I'll push this little thing right inside mouth."

May isang bahagi sa isip ko ang hindi gustong sumunod sa inuutos ni Eros.

Pero ang mismong katawan ko na ang kumontra sa dikta ng katinuan ko saka dahan-dahan kong binitawan ang pagkakakagat ko sa labi ko.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang magsimula nang gumalaw sa gilid ng labi ko ang brush ni Eros, humuhulma sa hugis noon, saka iyon pumunta sa ibabaw ng bahagyang naka-awang kong labi.

"I'm interested to see how you paint, Monique. Do you brush the colors as soft and light as feathers? Or do you like tainting your canvas in a rough way? Splashing, making a mess and leaving bold marks that will haunt you up to your dreams" mapang-akit at nanunukso pang sambit ni Eros.

Alam ko na hindi lang tungkol sa pagpipinta ang ibig ipakahulugan ni Eros doon sa mga binitawan niyang salita. Pero sapat na iyon para mag-iwan iyon ng kakaiba at senswal na eksensa sa imahinasyon ko.

Muli kong sinubukan na magpumiglas at makawala sa pagkakahawak at pagkakakulong ng katawan ko sa ilalim ni Eros bago pa ako tuluyang mawala sa katinuan

Pero dahil na rin sa bulto niya at mas malaki siya sa akin, pakiramdam ko ay para lang akong isang paru-paro na nagpupumiglas sa ibabaw ng kamay ng malaking leon na nasa harapan ko. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ipikit na lang nang mariin ang mga mata ko at hayaan ang katawan ko na magbigay ng natural nitong reaksyon sa ginagawa ng brush na hawak ni Eros doon.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon