Chapter Twenty Two

20.1K 529 16
                                    

Chapter Twenty Two

Eliz

ILANG ARAW na ang nakakalipas magmula nang mahulog kami sa bangin ni Eros at panuluyan dito sa pribadong cabin niya sa kalagitnaan ng kawalan ng kagubatan at isa sa mga tagong parte ng isla. At hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang senyales o utos mula kay Eros na umalis dito at ligtas na para sa amin na muling magpakita at bumalik sa mansyon.

Hindi ko rin maiwasan na mag-alala para kanila Manang Pising at sa iba kong nakasama at nakapalagayan ng loob sa mansyon dahil na rin sa wala ring kasiguraduhan kung sila ba ay nasa ligtas ba na kalagayan at hindi rin sila pinupuntirya ng mga humahabol sa amin—lalo pa nga't nagtatatrabaho din sa isla at nakakapaglabas-masok sa mansyon ang isa sa mga nakilala namin ni Eros na kasamahan ng mga nagbanta sa buhay ko, namin.

Isa pa sa mga nagpapabalisa sa pakiramdam ko nitong nakaraan ay iyong mga mumunting eksena na lumalabas sa panaginip ko kasama ang estrangherong lalaki na iyon na hindi pa rin malinaw sa akin ang mukha.

Minsan nga hindi ko na malaman kung guni-guni ko lang ba ang laman ng panaginip ko, likha ng imahinasyon dahil sa hindi pa rin nanunumbalik ang mga alaala ko o baka pareho at hindi sinasadyang gumagawa na lang ng mga memorya ang utak ko para punan iyong mga nawawala sa akin.

At sa mga panaginip na iyon, nakakatuwa na ilang beses lumabas ang isa pang estranghero sa akin na pinsan ni Eros na si Gael. Na sa panaginip ko, ilang beses niya raw sinisigaw ang pangalan ko, hinahanap ako doon sa kubo sa may dulo ng isla kung saan ako unang kinupkop ni Eros at halos baliw na naghahanap sa anino ng isang gaya kong sa pangalan niya lang kilala at sa panaginip.

"Monique!"

Nagising ako mula sa malalim kong pag-isip nang may bigla na lamang dumampi na malamig na tubig sa mukha ko na siyang ikinasamid ko pa dahil may tubig na nakapasok sa ilong ko dahil sa biglang pagtapon ng kung sino mang bastos, arogante at walang modong Poncio Pilato na kilala ko na taga-isla.

"Do I have your attention now?" nakita ko pang nakataas ang isang sulok ng labi niya, paniguradong nagpipigil ng tawa nang makita ang OA na reaksyon ko sa ginawa niya.

Nandito kami ngayon sa isang parte ng dagat na nakapalibot sa buong Alta Pueblo, malapit sa cabin kung saan kami nagtatago, at sinama ako ni Eros para maging alalay at taga-buhat ng mahuhuli niyang isda dahil pagod na raw itong makakain ng stock ng de lata na nasa may kusina ng munting pahingahan niya at gusto na niyang makakain ng totoong pagkain.

"Wala talagang araw sa buhay mo na hindi mo sisirain ang sa akin, ano?" hindi ko na napigilang ipakita sa kanya ang disgusto ko sa kanya at hindi na inalintana kung siya pa ang taong nagpapalamon at nagbibigay ng trabaho at sahod sa akin.

"I'm just returning the favor for ruining mine," nasa labi pa rin niya iyong arogante at nakakabwisit na ngising niyang iyon.

Sa totoo lang, kung nasa ibang pagkakataon at sitwasyon lang kami, baka matuwa pa ako sa mga ngisi niya iyon dahil sa bilyong-bilyong tao sa mundo, ako yata ang pinakahuling ngingitian—o, ngingisihan—nitong hayop na Eros na 'to.

"Alam mo, minsan, napaka-isip bata mo. Ilang taon ka na ba talaga at bakit sa tuwing kaharap kita, para akong nakikipag-usap sa isang spoiled na seven years old?" patutsada ko pa.

Tutal naman pinagbibintangan niya ako na sinisira ko ang araw niya. E, 'di totohanin ko na lang para parehas kaming may sira na araw dahil sa pagmumukha ng isa't isa.

"If you're less pain in the ass, I might talk as a grown up man," pang-aasar din niya. "You wasted another of my precious time by talking all by myself, while you have this eerie, disgusting, smile on your lips. You should have seen your face. You look like a crazy maniac. And will you please stop having this obvious daydream in front of me? We're not going to fuck one another, Monique. Not in a million years."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now