Chapter12: The decision

520 14 2
                                    

______o0o______

 

Chapter 12

 

Rainier's POV:

 

Hindi ko kinaya mga nalaman ko Prechus. Hindi mo man ako matandaan, may puwang parin pala ako sa puso mo. Akala ko makokontento na ako sa pagpasyal lang sa silid mo pero ngayon nag-iba na. Gusto kong maging makasarili pero wala akong karapatan lalo na at hindi mo na naaalala ang nakaraan.

Ano bang nangyari pagkatapos ng insidente? Hindi ako prinsipe, hindi ka prinsesa at hindi totoong may nasumpa ngunit, wala ka bang natatandaan sa mga kinuwento ko? Hindi mo ba naalala na parang katulad lang natin ng kapalaran ang prinsipe at prinsesa?

Nasasaktan ako pero mas masasaktan ka kapag hindi ako lalayo sayo. Hindi na ako kagaya ng dati kaya hindi na tayo pwede. Pasensya ka na Prechus pero isusugal ko ang desisyon ko sa larong ito. Ang hirap pero kailangan.

"Bilang ka ng twenty bago mo ako hanapin." (^_^)

Pinipilit kong magmukhang masaya. Halatang naguguluhan pero tumango parin sya. Hinawakan ko ang kanyang balikat, pinatalikod sa akin tsaka bumulong sa kanya.

"Pakiramdaman mo Prechus. Isipin mo lang. Alam kong mahahanap mo ako kung saan ako magtatago basta nanaisin mo lang. Hihintayin kita doon."

Umalis na ako pagkatapos. Sa totoo lang, mas gusto ko pang huwag na lang nya ako puntahan hanggang matapos ang isang oras para magkasama na kami dito.

Nandito na ako sa lugar kung saan ko hihintayin si Prechus. Tanaw ko dito ang dilaw na dahon. Sa loob ng isang oras, mahuhulog iyon. Sa loob ng isang oras, malalaman ko na ang desisyon...

---

 

 

Precious' POV:

Iniwan na ako ni Rener. Natapos na ang twenty seconds kaya dapat ko na syang hanapin pero parang hindi makagalaw mga paa ko.

Ang sabi kasi nya, hindi na daw kami babalik dito kung nakita ko sya subalit ayaw ko yung mangyari. Pero ayaw ko rin naman na hindi na makaalis pa dito. Bakit ganon? Laro lang naman ito diba?

Ano nga bang mas matimbang?

Hmm, gusto ko dito kasi walang problema at walang sakit. Napakapayapa din. Tapos hindi rin ako mag-iisa. Palaging nasa malapit lang si Rener. Hindi tulad sa bahay...

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon