Chapter 9: Escape

553 14 0
                                    

Hello sayo! ^0^
Points of view na ni Raynier ang first part ng chap na ito. hehe.

ENJOY SA PAGBASA!


______o0o______


Chapter 8

Rainer's POV:

Bumalik ako sa silid ni Prechus. Syempre sa may terrace parin ako dumaan. Tinignan ko muna ang loob at buti naman mag-isa nalang sya. (^_^)


Naiinis talaga ako kapag naaalala ko yung lalaking yun. Kawawa naman si Prechus sa kanya. Gusto rin ba nung lalaking yun si Prechus o gusto nya lang pagsamantalahan? (~_~) Pwede parin pala akong ma-high blood. Nalaman ko lang kanina pagkakita ko sa lalaking yon. Asar talaga sya.


Nakapasok na ako sa loob.


Tulog na si Prechus?


Umupo na ako malapit sa kanya. Tulog naman sya kaya hindi na ako nagpaalam. Ang ganda talaga.


Alam mo ba Prechus na ang sarap mong titigan? Alam mo rin ba na ang saya-saya ko kagabi nung nalaman kong nakikita mo ako? Makikita mo pa kaya ako sa muli mong paggising? Sana naman. Kasi malulungkot ako kapag hindi na.


Namalayan ko nalang na dinadama na ng mga daliri ko ang kanyang pisngi.


Ipakita mo ulit ang ngiti mo sakin ha? Masaya ako para sayo Prechus. Bumalik na ang ngiti mo sa iyong mga labi.


Labi?


Napatingin ako sa mga labi ni Prechus. Gusto kong padaain mga darili ko sa kanyang mga labi ngunit hindi ko ginawa. Parang alam ko na ang dahilan kung bakit nagtangka ang lalaking yun na halikan si Prechus. Naiintindihan ko na kung bakit pero mali parin sya. Bakit hindi nya pinigilan ang sarili nya gaya ng ginagawa ko ngayon. Asar talaga ako dun.


"Bakit ba parang malapit ka na agad sa lalaking yon? Bakit pumayag silang sya mag-alaga sa iyo? Bakit ba kasi hindi pwedeng ako? May paraan kaya para maging katulad ko kayo? Ano nga ba sya sa iyo?"


Ang dami kong tanong. Mga 'bakit' na alam kong hindi masasagot dahil tulog ang kausap ko ngayon. Hindi na akong umasa pero bigla syang bumangon. Magkaharap na kami ngayon na nakaupo. Nagulat ako hindi dahil sa gising pala sya kundi dahil sa pagngiti nya ng makita ako.


"Bumalik ka nga Rener."


Napakalumanay talaga boses nya. Para syang walang ganang magsalita pero alam kong natutuwa sya ngayon dahil yon ang nababasa ko sa mukha nya.


Ang tagal na Prechus ng huli kong makita ang ngiting yan. Araw-araw ka ng ngumiti ha?


"Na-miss mo ko Prechus?"


Tumango lang sya. Nakangiti parin. Tamad mo namang magsalita Prechus.


"Nakangiti ka na naman. Ganyan ka lang lagi ha? Kasi bagay sayo."


Nag-blush sya tsaka umiwas ng tingin. Nangyari na ito diba? Kaso mas malapit ngayon. Magulat nga ulit.


"Prechus!"


Nagulat nga sya. Ang cute. XD


"Nagba-blush, ka na naman ulit! Hahaha~"


Ayan na naman sya, nakakunot ang kilay pero ang cute parin. Sarap pagtripan! Sigurado ako ayaw nyan yan na pinagtatawanan ko sya. Gusto ko e! Hahaha.


"Ikaw din kaya." Ako?


"Weee, nagba-blush tayo! Hahahaha~" ngumiti na ulit sya. Hindi ko na tinago na nagblush nga ako. Huli na kasi.

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon