Chapter 6: Kiss

766 23 11
                                    

Dedicated to TheEmogirl03. Salamat sa pagbasa ng MP3p tsaka salamat sa mga votes every chaps. Tapos nakita ko pa na in-add mo to sa RL mo. Grabe. Super Thanks sayo!  (*o*)/

**Para sa mga ibang tanong ni Ian sa sarili sa previous chap ay masasagot na dito ang kaso di nya parin malalaman. Eh hindi naman madaldal si Prechus! hehe

_________o0o_________




Chapter 6

Precious's POV

Kagigising ko lang...

Hindi man ako nakatulog ng maayos ay hindi naman ako nakakaramdam ng puyat o antok. Naaalala ko pa ang lahat ng mga nangyari kagabi. Yun siguro dahilan kaya hindi ako nakatulog.

Umupo na muna ako sa kama at humarap sa may terrace. Sabi ni Rener babalik sya di ba? Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan sya dumaan.

Gusto ko...

...pumunta na yung kaibigan ko.

Tama.

Yung kaibigan ko. May kaibingan na ako. Haay... Ang saya sa pakiramdam.

Napatingin ako sa kaliwa kung saan naroroon ang pinto palabas ng silid ko. Nakapasok na pala si Melissa. Kanina pa ba sya? Nakatingin sya sakin pati yung lalaking kasama nya. Uhhm...

Sya ba kasintahan ni Melissa?

Bakit mas bata?

"Buti naman at gising kana. Pumasok na kami kasi hindi ka naman sasagot kahit ilang milyong beses pa kaming kakatok." Eh kasi naman ulit-ulit lang sinasabi. (-_-)

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon