Chapter 4: Precious meets Raynier

847 25 6
                                    

**May bago akong reader kaya may bagong update. Nakakaganang mag-isip! Dedicated to Lyn920. Thank you sa paglagay ng story sa reading list mo ne?

ENJOY READING!

_________o0o_________

**Previously on Chapter 1

Papatayin ko na sana yung lampshade sa may sidetable malapit sa bed ko pero napansin ko yung oras. Lampas na pala ng 12 midnight? Kung ganoon 18 years old na pala ako. Isa na akung ganap na dalaga. Kailangan maging masaya ako. Pero bakit ganito nararamdaman ko?  Ano itong nasa mukha ko? Tubig? Lumuluha na pala ako hindi pa alam. Bakit ayaw tumigil? Ang dami ko ng napunas pero may bumabagsak pa rin. Hindi ko alam kung ano talaga nararamdaman ko ngayon.

Magulo.

Mahirap.

May napansin ako. May tao? Lalaki na naka-Indian seat sa sahig. Siguro dumaan siya ng terrace kasi nasa right side ng bed ko sya. Nakasalong-baba pa sya gamit yung isang kamay at nakatingin sakin. Paano sya nakapasok?

"Sino ka?"

Huh?

Bakit parang siya ang nagulat ng tinanong ko sya?

Chapter 4



Precious's POV:




Bakit ba ayaw niyang magsalita?

At bakit ba gulat na gulat sya?

Ako kaya dapat magulat dahil hindi ko alam kung paano niya nalusutan yung mga guards ng bahay. Hindi rin ba nakita ng surveillance cam sa labas na nakapasok siya?

"Sino ka?" Pangalawang tanong ko na iyon pero hindi siya sumasagot.

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon