Chapter 2: Meet Ian

837 25 3
                                    

CHAPTER 2

Ian's POV:

Time check. . .

5:am

Nakakainis naman oh!

Umaga na naman!

Trabaho na naman!

Haaaaay. . . inaantok pa ako pero kailangan ko ng bumangon. Umupo na muna ako sa kama at baka makatulog ulit ako. (-_-)

 Tumayo na ako makalipas ang ilang minuto at nag-stretch-stretch na muna.

*Trrriiiiiiiiing! Trrriiiiiiiiing! Trrriiiiiiiiing!

Loko itong batang ito ah? Pinatay lang yung alarm clock?



"Hoy Alfred! Gising ka na!" Aba't parang wala talagang pakealam.

"Hoy bansot! 5:20 na. Nag-alarm ka pa e wala namang kwenta!"Sinusubukan ba ako nito? Loko talaga to ah? Sige. Heto pampagising mo!

"Aray naman!"Sapul! Unan lang pala katapat mo.

"Ul*l! Ang lambot lang ng tumama sa mukha mo napa-aray ka? Bilisan mo na jan at baka ma-late ka pa." Dalawang kama ang meron sa kwarto. Tig-isa kami ni Alfred kaya ginigising ko sya sa umaga kapag nauna akong gumising.

"Kuya naman e. Inaantok pa ako *yawn."Lagi na lang siyang ganyan kapag may pasok pero ang aga naman niyang gumigising kapag sabado at linggo.

Nakaupo na kami sa may hapagkainan kasama si mama."Oh heto pandesal. Ipalaman niyo yung itlog o ham." sabi niya. Napakatipid ni mama. Ewan ko ba e naka-abroad naman si papa.

"Uhm, Ian. Kailan mo ipapakilala yung girlfriend mo sa akin? Naririnig kita minsan kapag may kausap ka sa cellphone. Jona ba o Tina? Di ko matandaan." Sh*t!

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon